Chapter 10

35K 1.3K 169
                                    

Chapter 10

Humakbang ako paatras at sinampal ko siya. Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Mula sa pagkakabaling ng ulo—dahil sa ginawa ko—ay muli niya akong tiningnan. His face was stoic. Para bang wala lang sa kanya ang ginawa kong pagsampal.

Dahil sa halu-halong emosyon ay tinalikuran ko siya at umalis sa lugar na 'yon. Bumalik ako sa faculty room. Walang lakas akong napaupo. I touched my lips but immediately took my finger away from them as the worst possible scenario invaded my mind.

Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi. Hindi ka dapat manghina nang dahil lamang sa halik na 'yon, Amity!

I clutched my bag with shaking hands. Dali-dali akong lumabas ng faculty room, nang biglang napatigil ang mga paa ko dahil nandito siya.

Humakbang siya dahilan at napaatras ako.

"P-President, I need to go home." Tumungo ako.

I felt his hand on my chin and he made me look up at him. Itinago ko ang malaya kong kamay sa aking likuran, samantalang ang isa ay mas humigpit pa ang hawak sa aking bag.

"I'm hungry," he said. "I want you to come with me."

Bago pa ako makaangal ay inagaw na niya sa akin ang bag ko. Mas lalong tumindi ang kaba ko nang hawakan niya ang kanan kong kamay at hatakin ako.

I was looking at our hands. Ilang beses na rin akong napalunok. Gusto kong pumiglas ngunit hindi ko magawa. Hanggang sa nakarating kami sa parking lot ay wala pa rin akong imik. Binuksan niya ang pinto ng kotse at pinasakay ako. Agad siyang umikot.

Nang pareho na kaming nasa loob ay naramdaman ko ang paglingon niya sa akin.

"Good thing, you didn't make it hard for me to drag you here."

I closed my eyes tightly before I turned my face to him. Tumikhim siya at dumeretso ang tingin sa malinis na parking lot ng Hasse.

"Ano 'tong ginagawa mo, Sir?" lakas-loob kong tanong.

He then started the engine. I heaved a sigh when he didn't answer.

He stopped the car in front of Warden. Bumaba siya ng sasakyan, pero nanatili ako sa loob.

Binuksan niya ang pinto at seryoso akong tiningnan. "Are you planning to stay there?" Kumunot ang noo niya. "Get off the car."

Bumuntonghininga ako at napagpasyahan na ring bumaba, dahil ayaw ko nang makipagtalo. Sa dami nang ginawa ko ngayong araw ay wala na akong lakas na makipag-away sa kanya.

Nakasunod ako sa kanya papasok ng restaurant. Sinalubong kami ng nakaka-relax na ambiance ng lugar. Tumigil siya sa isang table na hindi takaw-tingin sa mga tao dahil medyo tago.

"Sit," masungit niyang utos. "You're not a dog, Amity. Stop waiting for my commands before you move."

I sat across him. Tumungo ako at pinagsalikop ko ang aking mga kamay. Naramdaman ko ang pagdating ng waiter.

"What do you want?"

Sa kabila ng hiya ay sumagot ako, "kahit ano."

"Walang 'kahit ano' rito," pamimilosopo niya.

Tuluyan na akong nag-angat ng tingin. His lips formed into a smirk. I took the menu book from him and rolled my eyes. He chuckled which made me grip the book.

Nagtama ang aming mga mata at sumandal siya sa kanyang inuupuan.

"Know what? You're the first woman who rolled eyes at me."

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon