Sneakpeek Morgan ❤ Harper

227K 3K 123
                                    

Hello! Sa lahat ng nagtatanong about sa story ni Harper at Morgan. Kasama po 'yon sa self-pub book ng sinful affair. May six special chapter sila doon at ang isang SC ay ipapakita kung sino ang mga susunod na pair sa fatal attraction.

Here's the sneak peek.

____

Change cover din po.

Change cover din po

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---
Unedited-

I LOOKED away, bitting my bottom lip to hide my smile when Morgan winked at me. Kasalukuyan kaming nasa shooting location sa Tarlac, sa bungad ng kagubatan. Ever since I was a little girl I wanted to be a star— a famous celebrity. Hindi pa man ngayon pero alam kong magiging leading star din ako sa isang pelikula balang araw. Bata pa naman ako. Twenty-one pa lang ako kaya marami pang pagkakataon. I know that the amout of effort I was putting in my career will be worth it someday. Sa ngayon makukuntento na muna ako sa pagiging extra. Well, maganda naman ang role ko sa movie ngayon. I am one of lead star's friends. Vanessa Incanto is a leading actress on this movie.

"Hi." I swallowed hard when Morgan sat next to me. We were sitting on the folding chair.

"Direk Morgan," I said but Morgan wrinkled his nose.

"Morgan will do. Nakakatanda kapag tinatawag mo ako ng direk. Lalo kapag nanggaling sa 'yo. You are making me feel that we aren't meant for each other." I swear, I could feel my face heat up. I'm guessing my cheeks turned a rosy shade of pink dahil sa sinabi niyang iyon.

Morgan let out a boyish chuckle.

"You're blushing." He handed me the ice candy as he took a bite to the other one.

"Take it. Masarap."

I took it sheepishly. "Thank you." I looked around, looking for where he got this.

"May naglako," he said, he might read what's on my mind. I glanced at the ice candy in my hand for a moment.

"C'mon, eat up! Walang lason 'yan, gayuma lang." My head turned to him, my eyebrows drew together as the skin wrinkled in between.

"What?"

"Gayuma, para ma-in-love ka sa 'kin." Agad akong umiwas ng tingin sa kanya at mabilis na kumagat sa ice candy.

Hay, Harper, huwag kang nagpapadala sa flowery words niya. He's a certified player.

Tumawa si Morgan kaya muli akong tumingin sa kanya.

"So gusto mong ma-in love sa 'kin?" I raise my brow at him.

"You gobbled it up like a starved kitten," he said, pointing the ice candy in my mouth with his puckered lips. I inwardly winced as I realized of what I've done. Nagmukha ngang gusto kong magayuma dahil bigla ko na lang sinakmal ang ice candy nang sabihin niyang may gayuma ito.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at sinipsip na lang ang ice candy. I look at him through the corner of my eyes. I saw him watching my mouth as I suck my ice candy. His lips set in firm line, the adam apple moved up and down as he swallowed hard. Nang mag-angat siya ng tingin sa mata ko ay tinaasan ko siya ng kilay.

He smiled. "Tumatalab na ba?" Hindi ko mapigilan ang mapangiti kaya agad akong tumalikod mula sa kanya para itago iyon.

"Uh-huh! You are smiling. I saw it. Gusto mo ako 'no?" muli akong lumingon para pabulaanan ang sinasabi niya pero halos manigas ako sa kinauupuan ko nang sa paglingon ko ay lumapat ang labi ko sa malamig at malambot na bagay. I swallowed hard as my eyes widened. Maging si Morgan ay mukhang nagulat sa hindi sinasadyang paglapat ng labi namin. Hindi ko alam na naglean forward siya. I should've pulled away but why I wanted to close my eyes and savor the taste of his lips instead. I could feel like something was rolling around in my tummy.

I slowly pulled my lips away from his. Sa halip na humingi ng sorry, he just gave me one of his playboy smiles.

"Mukhang tumalab agad ang gayuma, ah. Ang bilis mo. Kiss agad." He almost whispered against my face, his chilly breath fanning across my face.

"Harper!" Napatili ako at naitapon ko ang ice candy sa gulat nang tawagin ako ni MM. Mabilis akong tumayo at patakbong lumapit kay MM. Pinangdilatan ako nito.

"Nakita ko 'yon!"

"I—it was just an accident." I struggled getting words out as if I have a speech problem.

"Harper, sa susunod na mga araw hindi mo ako makakasama sa shooting mo. Alam mo naman na may trabaho na ako n'on 'di ba? Umiwas ka kay Direk Morgan. Please, lang, huwag si Direk Morgan! Kagabi lang nakita ko si Vanessa na pumasok sa tent niya. Gulo 'yan kapag nalaman 'yan ni Vanessa. Don't crap where you eat. It might ruin your career."

"Oo naman. Iiwas ako. Excuse me." Pumasok ako sa tent namin ng co-star ko. Umupo ako sa silya sa harap ng dresser kung saan kami nag-aayos. Hinaplos ko ang labi ko. It was my first kiss. Ganoon pala ang mahalikan lalo't kapag nanggagaling sa isang taong gusto mo.

Una ko pa lang makita si Morgan ay humanga na ako sa kanya. And yes, I had been dreaming of him kissing me, stealing my first kiss. Hindi ko alam kung bakit gusto ko siya. He's a playboy, and I hate playboy, but I still like Morgan. At ngayon pinapansin na niya ako. Oh, no! I shook my head to brush the thought away. Not Morgan! Masasaktan lang ako sa kanya. Naglalaro lang siya at ngayon posibleng isa ako sa nakapukaw ng interes niya para maging past time niya.

Fatal Attraction 4: Sinful AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon