Bonus Chapter #2- pt. 2

40.1K 1.3K 226
                                    

"Ayoko na."

Biglang napabitaw si Angelo sa yakap nito sa kanya at walang sabi sabing umalis pero bago pa man makalayo si Angelo ay hinawakan ni Haruka ang kamay niya dahilan para humarap ito sa kanya.

Kahit madilim ay kitang kita nito ang paglandas ng mga luha sa gwapo niyang mukha.

"I'm willing to let you go kahit masakit, kaya kong layuan ka pagsinabi mong layuan kita, kaya kong di ka makita pagsinabi mong ayaw mo akong makita kung yun ang ikakaligaya mo, wag mo lang sabihing tigilan na kitang mahalin because I think my love for you is the only thing that's keeping me alive para mo na ding sinabing tumigil akong huminga----hmp."

Gulat na napatigil si Angelo ng bigla siyang halikan ni Haruka sa labi.

"Dami mong satsat. Akala mo naman pangMMK yung pinagsasabi mo."

"Ha?" tanging sabi ni Angelo na naguguluhan parin.

Sa halip na ulitin muli ang sinabi niya ay hinalikan niya lang si Angelo.

Kiss*

"I love you"

Kiss*

"I love you"

Kiss*

"I love you. Oh okay na ba?ha?"

"Pero... yung kanina, sinabi mong ayaw mo na."

Napahalakhak naman ng malakas si Haruka dahilan para mamula si Angelo sa hiya sa hindi niya malamang dahilan.

"Bigla ka kasing nagwalk out. Ang drama mo kasi para kang babae. " sabi ni Haruka habang ipinulupot yung mga braso niya sa leeg nito sabay nakaw ng halik. She just can't get enough of him.

"Sasabihin ko sanang ayoko na. Ayoko nang maghintay kaya makinig kang mabuti Angelo Dixon Montereal dahil ngayon ko lang gagawin ito."

Lumayo si Haruka sa kanya kaya naguluhan na nanaman si Angelo. This woman is really full of surprises.

Nagulat siya nung biglang lumuhod sa isang tuhod si Haruka at hinawakan iyong kamay niya.

"Angelo Dixon Montereal, will you marry me?"

Mistulang naitulos naman sa kinatayuan si Angelo. Tila napipi siya sa ginawa ng dalaga. He can't believe the woman she love is kneeling infront of him asking for his hand in marriage. Para siyang nililipad sa langit----

"Hindi ko alam na bumaliktad na pala ang mundo ngayon. Dude di ako updated, babae na pala ang nagpo-propose ngayon?" sabi ni Venz kaya agad na napatayo si Haruka.

"Di naman eh, di na ako nagtaka. Noon palang alam ko nang mas lalaki pa yang si Haru-chan kesa kay Angie boy. Ano pa bang aasahan mo sa pambansang torpe na to. " sabi ni Raven.

"Hindi naman nakakawala ng romantic vibe pag ang babae yung nagpropose eh, okay lang naman. " komento ni Cassiopeia.

"Yeah, but kneeling is not really necessary though, nung nasa malayo pa kami akala namin binoblowjob mo si Angelo eh, nakaluhod ka kasi." sabi naman ni Claude.

Nagsitawanan naman ang apat at huli na nang mapansin nilang pareho na palang nagkasa ng baril sina Angelo at Haruka sabay tutok sa kanila.

Agad napalunok iyong apat.

"Takbo!" sabay nilang sigaw at kumaripas ng takbo papalayo.

Naiwan na naman silang dalawa sa katahimikan at nagtitigan nalang sila. Angelo captured her lips but it ended up being sloppy because they can't keep smiling. Napahiwalay nalang sila at tumawa.

"God, I love you so much." sabi ni Angelo at muling inangkin ang labi ni Haruka na tinugunan naman ng dalaga.

Nanatili sila ng ganun ng ilang mga minuto hanggang naghiwalay sila at idinampi nalang ang mga noo sa isa't isa.

"You know, you don't really have to do that love. You don't even have a ring. " natatawang sabi ni Angelo dahilan para mahina siyang kurutin ni Haruka sa tagiliran. Bumaba ang mukha ni Harula sa leeg ni Angelo. She loves his masculine scent. Sininghot niya ang leeg nito at muntik pang mapalundag si Angelo ng kagatin nito ang leeg niya.

"Wag mong ipamukha, ang bagal mo kasi."

Tawa lang ang naitugon ni Angelo.

"Ako yung lalaki, pero inunahan mo pa ako so I'm making this right..."

Biglang lumuhod si Angelo sa harap nya at tinanggal ang kwintas niyang nasa loob ng kanyang damit. Nakasabit dito ay isang engrandeng singsing na pinalamutian nang maliliit na brilyante sa paligid.

"Binili ko ito a year after we graduated college. Dala dala ko ito saan man magpunta, I've been trying to find a perfect moment until now. "

"Torpe ka lang talaga. " singit ni Haruka.

"Don't interrupt me love, I'm trying to make this as romantic as possible."

Napaikot naman ng tingin si Haruka.

"Haruka Leferius, mahal kita. 7 years together doesn't lessen the love I have for you kundi mas dinagdagan pa. I've been stupidly head over heels for you since highschool and I'm not gonna stop now. So Haruka Leferius, will you give me the opportunity of letting me love you and care for you until forever? Marry me please?" sabi nito.

Hindi na nagsalita si Haruka sa halip ay inilahad niya lang ang kamay niya para isuot ang singsing. Di na niya napigilan ang mga luha na kumawala sa kanyang mga mata.

Tumayo na si Angelo at binuhat siya at inikot ikot. Nagtawanan naman silang dalawa dahil sa tuwa.

"Yes! Yes! YES! "

Nahihilo na si Haruka pero hindi parin siya ibinababa ni Angelo at sa halip ay ipinasan ang dalaga sa balikat niya at naglakad na siya sa direksiyon ng hotel kung saan sila nag-iistay.

"Saan mo ako dadalhin? " tanong ni Haruka na nginisihan naman ni Angelo at pinalo pa ang pwetan nito.

"Uunahan natin sina Venz. Bubuntisin na kita."

"Baliw!" nahihiyang sabi ni Haruka. It was a relief no one was around.

"Sayo. Only for you baby." dugtong naman ni Angelo.

__________________________

Hey you! Oo, ikaw! ikaw na bumabasa nito, Thanks for taking a chance on reading my story till the end. I just wanna say that you are deeply appreciated. Muah.

The Legendary Dark DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon