Shoot 35 "Doubting him"

65.8K 3.6K 1.9K
                                    

Majesty just leveled up!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Majesty just leveled up!


Pinahid ko ang pawis sa noo ko matapos kong mapatay ang monsters. Kasama ko sina Lucky at Katana sa pagpapa-level ngayon. This whole week, hindi nag-o-online si Darkshdow. Ni-text ko si Mateo kung bakit siya hindi mag-o-online pero ang sabi niya lang ay busy sila sa practice since malapit na raw ang next game nila.

"Congrats, Majesty, level 49 ka na!" Bati sa akin ni Katana. Bakasyon na kasi namin ngayon, Christmas vacation kung kaya't wala naman na akong masyadong ginagawa. Naglalaro na lang ako ng SWO.

"Thank you. Kayo din naman, ang laki ng itinaas ng level ninyo," ang dati kasing level 43 na si Katana ay level 46 na ngayon at dating level 40 na si Lucky ay level 44 na ngayon. It's really fun na kasama sila sa mga monster hunting dahil talaga namang nagle-level kami.

"May balita na ba sa third school war?" Tanong ko sa kanila, hindi ako nagxhe-check ng forum o kahit bulletin board kung kaya't wala akong balita rito.

"Wala nga e, pero may mga prediction na it's either January or February ang next school war. People are anticipating sa next school war dahil titingnan daw nila of BWU can protect the title or REU can regain it." Paliwanag ni Lucky sa amin.

"Of course, we will win it again. Ang tataas na ng level natin 'no!" Sabi ni Katana.

Naaalala ko bigla, few months ago ay para below level 10 lang ang level namin nila Katana pero ngayon... Eto kami, isa na kmi sa mga front liner ng BWU dahil isa kami sa malalakas na players.

The three of us ay paalis na sa Abandpned school house nung may marinig kaming tawanan sa baba. Dumungaw kami sa bintana. "May mga tagapula," sabi ko habang nakatingin aa uniform nila.

"Taga-REU?" Tanong ni Lucky at tumango ako.

Wala akong balak na pansinin sila pero isang username ang pumukaw sa atensyon ko nung makita ang mga REU Students-- CoolJace. If I am not mistaken, that's Jace username in this game.

He's currently level 52, hindi nalalayo sa level ko.

"Sa tingin mo, mag-aaya 'yan ng laban?" Tanong sa akin ni Katana.

"Hindi 'no, ilang beses na tayong may nakakasalubong na estudyante from other school pero dinadaan-daanan lang naman nila tayo. Hindi tayo ang pakay nila lung kaya't wag tayong matakot." Sabi ko sa kanilang dalawa, bumaba na kami sa hallway ng abandoned school house.

May nakakasalubong naman kami dati na taga-White Knights, Evergreen pero parang wala lang. But this is the first time na may makakasalubong kaming taga-REU. REU and BWU ang mahigpit na magkalaban sa game.

The four REU Students, looked at our direction.

"Nakatingin sila sa atin," mahinang bulong sa akin ni Lucky.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon