BOSS • 17

82K 1.2K 9
                                    

"Sige na kasi Ate Ali. Iwanan mo na muna sa amin ni Chan si Blue para makapag-usap kayo ni Kuya William."

Alisson sighed on that.

Kanina pa nga niyang gustung-gustong makausap si Liam pero hindi naman niya alam kung saang parte ng lugar niya ito hahagilapin.

Magmula kasi kaninang nag-walk out ito habang naghahapunan sila sa may veranda dahil sa halatang pang-iinis ni Weigan dito ay hindi pa ito bumabalik.

Pasado alas-nuebe na ng gabi at kanina pa niyang binabantayan ang pagbalik nito pero wala. Hindi pa ito umuuwi.

Hindi niya rin kasi malaman kung anong trip sa buhay ni Weigan. Alam naman nito na mayroon silang hindi pagkakaintindihan ni Liam at aware ito na masama na ang timpla sa kanya ng pinsan pero patuloy lamang ito sa ginagawang panlalandi sa kanya.

What she mean is, Weigan kept on bugging her in a sweet way. Nariyang halos subuan na siya nito habang kumakain. Panay-panay rin ang paghawak nito sa kanyang kamay at paghaplos sa kanyang mukha na akala yata nito ay sila lamang ang tao doon.

Hindi naman siya makaasik sa mga ginagawa nito dahil ayaw niyang gumawa ng eksena kaya wala siyang ibang reaksyon kundi ang sumimangot dito ng bahagya pati na rin paningkitan ito ng mata.

Siya tuloy itong hiyang-hiya sa ama't-ina ni Liam na bakas ang pagtataka sa mga mukha ng mga oras na iyon.

She sighed again.

Pakiramdam niya tuloy mas lalong nagalit sa kanya si Liam.

"Hay naku ate, hindi mo makakausap si kuya kung bubuntong-hininga ka lang dyan at tutulala." Natatawang untag sa kanya ni Angie. "You should go and find him. Don't worry about Blue. We'll take care of him." Kinindatan pa siya nito saka nagmuwestra na kailangan na niyang umalis.

Saglit muna niyang tinitigan ang anak saka muling nagbaling ng tingin kay Angie. She slightly nod her head as she walk towards the door. Narinig pa niya ang pahabol na 'good luck' ng babae bago niya tuluyang tinahak ang daan palabas ng bahay.

Saan naman niya ito hahanapin?

Iyon ang unang tanong na pumasok sa kanyang utak ng makalabas na siya.

She started walking west of her direction. Bahala na, she said to herself.

Ayaw niyang matapos ang gabing ito na hindi sila nagkakaayos ng lalaki. She badly wants to talk to him and say sorry. Alam niya na kanina pa niya ito binibigyan ng sama ng loob.

Tahimik siyang naglalakad ng marahan at palinga-linga para masigurado na hindi niya malalagpasan ang bawat taong dinadaanan niya.

Nakalabas na siya sa nasasakupang pagmamay-ari ng mga Stanfield pero wala pa rin siyang nakikita maski anino ng lalaking kanina pa niya hinahanap. Namimitig na rin ang kanyang mga binti dahil sa paglalakad at nakakaramdam na rin siya ng pagkalamig dahil sa dampi ng banayad na hangin sa kanyang balat.

Kung bakit ba kasi nakalimutan niyang magpalit ng damit o magdala man lamang ng sarong na panakip sa kanyang suot na asul na boho dress na ibinigay sa kanya ni Vanessa kanina.

She helplessly sat on the sand and throw a handful of it in front of her. Nagpakawala siya ng isa na namang buntong-hininga.

Naiinis na siya!

Naiinis siya sa lahat ng nangyari ngayong araw na ito! She wants to scream her lungs out! She's beginning to get frustrated on the fact that she can't find Liam anywhere. She even tried calling his number but it just kept on ringing. Na mas nakadagdag ng pagkainis niya.

"Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis!" Paulit-ulit niyang bulong habang patuloy sa pagbato ng buhangin sa kanyang paanan. "Nasaan ka na ba kasi?"

Mukha na siguro siyang timang ngayon na mag-isang nagsasalita habang pinagbubuntungan ng inis ang pobreng buhangin na wala namang kinalaman sa nangyayari sa kanya ngayon.

BOSS Series 1: My boss, His daddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon