Ang Pusong Naiwanan

593 1 0
                                    

Masakit. Masakit ang mawalan.
Mawalan ng isang bagay na matagal mo nang iniingatan.
Iniingatan at pinoprotektahan kahit ikaw na ang nasasaktan.
Nasasaktan dahil hindi niya man lang nagawang gamutin ang iyong pusong duguan.

Isang giyera. Giyera na nagsimula magmula noong minahal mo siya.
Siya na akala mo'y hindi ka iiwanang mag-isa.
Mag-isang lumalaban, mag-isang nagmamahal.
Nagmamahal at kumakapit sa isang relasyon na akala mo'y magtatagal.

Bulag. Mas pinili mong maging bulag.
Bulag sa katotohanan na ang puso mo'y nababasag.
Nababasag at nasasaktan dahil sinasampal ka na ng realidad.
Realidad na pilit mong binabaliwala sapagkat minahal mo siya nang sagad.

Bakit hindi mo subukang buksan?
Buksan ang mga mata kahit gaano pa ka-sakit ang iyong masisilayan.
Ah, nakalimutan kong matagal ka na palang nagising.
Nagising sa katotohanan, subalit nagbubulag-bulagan pa din.

Nasasaktan ka na pero mas pinili mong magpakatanga.
Magpakatanga kahit alam mong hindi mo na kaya.
Kayang-kaya mo siyang mahalin, pero bakit hindi mo iyan magawa sa iyong sarili?
Sarili mo naman ang iyong pagbigyan, hindi tama na siya nalang palagi.

Nasaktan ka na niya, iniwanan ka pa niya.
Kaya bakit ipinaglalaban mo pa din ang taong sinukuan ka na?
Bakit kailangan mo siyang habulin kahit pagod na ang iyong mga paa?
Paa na duguan at bugbog na nang dahil sa kakahabol sa kanya?

Tiniis mo ang lahat ng sakit para lang manatili siya.
Siya na nangakong ikaw lamang ang iibigin, kaya ika'y naniwala.
Naniwalang tutupad siya sa inyong sumpaan at sasabayan ka sa paglalakbay.
Paglalakbay sa sinimulan niyo nang sabay subalit tatapusin mo ngayon nang wala na siya sa iyong buhay.

Masakit. Masakit dahil umasa ka sa kanyang mga pangako.
Pangakong hindi ka niya iiwan at walang magbabago sa inyong kuwento.
Kuwento na masaya sa simula subalit ang naging wakas ay puno ng mga luha.
Luha na puno ng sakit at pighati buhat ng pag-suko niya.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon