CHAPTER ELEVEN: Black and White

72.9K 2.5K 691
                                    


ERALD

NAPAKAALIWALAS NG panahon. Mabagal ang paggalaw ng mga ulap na parang lumulutang na cotton candy sa kalangitan. Nakatirik na ang araw sa itaas pero dahil nasa nalililimang parte ako ng rooftop, hindi ako natatamaan ng sinag nito.

My morning break would have been perfect... if it wasn't for the noises nearby.

"Hoy, bakit parang iniiwasan mo na kami, ha?" Narinig ko ang boses ng isang lalaki sa may hagdanan. Puno ng kayabangan ang tono nito na parang isang hari na dapat paglingkuran. The typical bully.

"Ka-Kasi me-medyo naging busy ako nitong mga nakaraang araw," paliwanag ng isa pang lalaking may nanginginig na boses. I could imagine his knees shaking out of fear. "Hi-Hindi ko kayo iniiwasan!"

"Talaga, ha? Dahil diyan, doble 'yong ibibigay mo sa amin ngayong araw."

"Pe-Pero wala na akong pambili ng lu—"

"Walang pero-pero!" bulyaw ng mayabang na lalaki. "Kasalanan mo kasi hindi ka nagpakita sa amin!"

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan sa ilalim. Wala na akong narinig na protesta sa inaaping lalaki kaya malamang, pinagbigyan niya ang pambu-bully ng mga nakapalibot sa kanya.

"'Yan ang gusto ko sa 'yo e, madaling kausap! Sa uulitin, ha!"

Nakinig lang ako sa pag-uusap nila habang nakatingala sa langit. If I were a student with a strong sense of justice, I would have stopped the bully and scolded him for what he was doing.

Kung sigurong ang Erald na nasa rooftop ngayon ay ang hangal na Erald noon, malamang gano'n ang ginawa ko. Years passed. Things changed. I'm no longer the person that I used to be.

Back in my elementary days, I dreamt of becoming a hero. Dahil nasa murang kaisipan pa lang ako noon, may pagka-idealistic pa ako. Sumali ako noon sa Volunteer Club kung saan tumutulong kami sa mga estudyanteng nangangailangan ng tulong. Kung may nahihirapan sa kanilang lesson o may dapat na ayusing school event, to the rescue kami sa kanila.

There was always a feeling of satisfaction whenever we helped someone. Nakagagaan ng pakiramdam at masasabing "worth it" ang oras at pagod namin. Dahil doon, naging motto ko nang tumulong sa mga dapat tulungan kahit walang kapalit. Kaya nga noong minsan, apat na taon na ang nakakaraan...

"Tama na!" Hinarangan ko ang isang grupo ng mga lalaking binuhusan ng timba ng tubig ang kanilang kaawa-awang biktima. Kahit payat pa ako noon, naglakas-loob akong pumagitna sa kanila.

"At sino ka para humarang-harang sa amin? Kaibigan ka ba niya?" tanong ng lalaking malaki ang katawan. May tumutulo pang sipon sa ilong niya pero hindi niya napapansin.

"Bakit? Kailangan ko bang maging kaibigan ang isang tao para tulungan ko siya?" nagmamatapang kong sagot. Nagkasukatan kami ng tingin ng lider ng mga bully na kamukha ni Damulag sa Doraemon.

Alam kong nasa disadvantage ako dahil tatlo sila habang nag-iisa lang akong pumoprotekta sa kanilang binu-bully. Wais din ang mga kumag dahil sa school garden nila dinala ang biktima. Walang dumaraan na ibang estudyante o teacher dito kaya perpect spot ito sa mga krimen.

Pinatunog ng mga lalaki ang mga kamao nila ngunit hindi ako natinag. Tinitigan ko lang silang tatlo ng mga kalmado kong mata.

"Sino ba kayo sa akala n'yo, ha? Porke ba mukha kayong tigasin, may karapatan na kayong mam-bully? Malalaki nga ang mga katawan ninyo pero 'yang utak at puso n'yo, walang laman."

"A-Anong sinabi mo?! Ang kapal naman ng mukha mong laitin kami!"

"Ang lakas ng loob ng payatot na 'to, a! Akala mo kung sinong magsalita!"

The Enigma of EraldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon