Shoot 38 "Internship"

60.8K 3.9K 1.6K
                                    

January 03, 2026

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

January 03, 2026.

Akalain ninyo, parang hangin lang na dumaan ang pasko't bagong taon. We just celebrate New Year sa Zambales, nag-beach kami kahit na ang lamig-lamig.

Isa rin sa ayoko na araw na ito. It's the start of the second semester and it means start na ito ng Internship sa may Stargame. My mom and brother looked at me nung bumaba ako ng hagdan para mag-almusal.

"Yabang, naka-work attire ka na." Sabi ni kuya Peter at sumubo ng malaking kutsara ng kanin.

"Hoy, Peter! Dahan-dahan lang sa pagkain. Para kang construction worker!" Suway ni mama. Napailing naman ako, as usual, ang higpit pa rin ni mama.

"Kasama mo si Jace?" Tanong ni kuya.

"Unluckily, hindi, nasa New York si Jace. Doon mag-o-OJT ang mokong." Kahit ako ay hindi makapaniwala na natanggap ang mokong doon. Pero ayos lang din, globally competent din naman ang Stargame sa paggawa ng games kung kaya't magandang working experience na rin ito.

Kumain lang kami nila mama. Nahuhuli ko si mama na pasulyap-sulyap na tumitingin sa akin. "Mama, hindi ka ba makapaniwala na mag-i-intern na ako?" Tanong ko sa kanya.

"Parang dati lang kinakarga ko pa kayo ng kuya Peter mo ta's ngayon nagtatrabaho na kayo." Sabi ni mama, masaya siya pero siguro ay natatakot din na baka mag-asawa na kami agad ni kuya Peter.

"Nagdadrama na naman si Luzbiminda!" Natawa ako sa pagtawag ni kuya sa tunay na pangalan ni mama. "Inuuto ka lang ni mama, Dani. Excited lang 'yan na pati ikaw mag-abot na ng pera sa kanya."

Piningot ni mama ang tenga ni kuya. "Ikaw, kahit kailan ang bastos ng bunganga mo. Speaking of pera, may 13th month pay ka. Asaan na?" Lumahad si mama.

"Wala ka talagang patawad, Luzbiminda," Kinuha ni kuya ang wallet niya at inabutan ng sampung libo si mama.

"Kulang pa," sumbat ni mama.

Bumuga ng hangin si kuya at inabutan pa ng another 5 thousand si mama. "'Ma, paano ako makakahanap ng girlfriend? Kinukuha mo lahat ng pera ko."

Maagang umalis si papa ngagon, dedicated talaga si papa sa trabaho niya pero okay lang. Nung bakasyon naman ay nasulit naman na talaga namin. "Kuya alis na ako." Paalam ko.

"Dani, always remember tratuhin mo ang bawat empleyado--"

"Tratuhin ang bawat empleyado na parang boss mo." Parehas sila ng sinabi sa akin ni Papa. Always be good to everyone.

***

"Good morning, kuya!" Bati ko sa security guard sa entrance ng building. Lumapit ako sa receptionist at binati rin ito. Umakyat ako sa 32nd floor dahil doon ang office nina Raydin.

Sabi ni Raydin ay sa team niya raw ako magtatrabaho. Pagkabukas pa lang ng elevator at pagkapasok ko pa lang sa office...

"'Diba sinabi ko na ayusin ninyo na agad ang bug sa inventory?! At isa pa! Bakit nagpo-force crash pa rin yung game kapag pumapasok sa Forsaken village na dungeon?!" Ang sigaw agad ni Raydin ang sumalubong sa akin. "Last week ko pa pinapagawa sa inyo 'yan, you should fixed this today. Walang uuwi hangga't hindi iyon ayos!"

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon