Magic 34

6.2K 138 12
                                    





XXX

She's mine

Raven's Pov

Dalawang araw, dalawang araw na ang nakalipas ng mangyari yun pagiwan ni Zack sakin Infirmary at paghawak ni Prince Night sa noo ko .

Simula rin nun hindi na ko pinansin ni Zack . Kada makakasalubong namin sila . Iiwas sya ng daan o parang hindi ako kilala.

Aaminin ko naiinis ako dahil bakit bigla syang nagkaganon ? Gusto ko syang kausapin para magpasalamat ngunit umiiwas talaga sya sakin .


'Raven hayaan mo muna yun si Zack baka may saltik na naman yun . ' ani ni Kaera . Tumingin ako rito at tumango tango .

Naghahanda na kami para pumasok sa mga klase namin ngyon araw .

Wala na kong balita kay Princess Anela pagkatapos ng nangyari samin nung isang araw.


~knock knock~



Parehas kaming napatingin sa pinto ng may kumatok roon.

Pinagbuksan ito ni Kaera .

'Ano yan kaera ?' Tanong ko .

Nilapitan ko si Kaera at nakita ko itong nakatulala habang hawak ang isang gold na envelop .

'Kaera! ' tawag ko rito .

'Raveeeeennn, Invitation, invitation ito galing sa hari !' Bulalas ni Kaera .

Invitation ? Sa kaarawan ng mahal na hari .

'Talaga so congrats Kaera ' ani ko .

Masaya ako ng nakatanggap si Kaera ng invitation na gusto nya . Masaya ako ng makakasama nya si Prince Night.

Umupo kami ni kaera sa kama nya at binuksan ang Invitation .

Ngunit pagbukas nito ay biglang bumaksak ang balikat ni Kaera .

'Bakit Kaera anong sabi ?' Tanong ko .

Tumingin ito sakin at nagulat ako ng niyakap nya ko .

'Congrats Raven ' bulong nya sakin .

Huh? Bakit?

'Kaera bakit? Ano bang laman ng invitation?' Tanong ko .

Bumitaw ito ng yakap sakin at binigay sa akin ang Envelop .

Nagulat ako sa aking na basa . Bigla akong napakagat ng ibabang kong labi  .

'Ikaw ang napili Raven !' Sabi nito at ngumiti sakin ng mapakla .

Halata sa mukha nya na pinipigilan nyang umiyak .
Kagat kagat ko lang ang labi ko habang hawak ko yung invitation.



Hindi naman ako nakasagot agad dahil hindi ko ito inaasahan . Hindi ko naman gusto ito e . Dapat si Kaera na lang .

'A-hmm! Kaera ' ani ko.

Tumayo ito sa pagkakaupo at lumapit sa salamin .

'Swerte mo Raven, c-congrats makakapasok ka na sa palasyo then m-makikita mo pa s-si Prince Night!' Malungkot nyang bigkas .

Lalo kong nakagat ang ibabang labi ko . Anong gagawin ko? Ayokong unattend dito dahil dapat kay Kaera ito.

Lumapit ako rito at iniharap ito sa akin .

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon