Shoot 39 "A lie"

66K 4.3K 2.7K
                                    

From: SophiaMag-online ka mamayang gabi, looked at the bulletin board

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

From: Sophia
Mag-online ka mamayang gabi, looked at the bulletin board.

Kumunot ang noo ko nung mabasa ang text ni Sophia. Ano na naman ang mayroon sa bulletin board ngayon? Baka naman announcement lang ng third school war.

Speaking of School War, nami-miss ko ng maglaro. Nagiging busy na kasi ako sa ojt.

Kagagaling ko lang sa kitchen at inilapag sa table ni Raydin ang isang tasa ng kape. May tinitignan siya sa monitor ng kanyang computer at panay ang tawa. "Ano 'yang tinitignan mo? Panuod!" Sabi ko.

Akmang dudungaw na ako ngunit mabilis na isinara ni Raydin ang window kung kaya't hindi ko na ito nakita. Tumingin sa akin si Raydin at nawala ang ngiti sa kanyang labi. "Tsismosa." He stated.

"Patingin lang, e. Damot mo." Umirap ako sa ere at umupo na sa working area ko. Bumalik na ako sa pagta-type.

A couple of minutes ang lumipas ay napapatigil ako sa pagta-type at napapatingin kay Raydin dahil napapangiti talga siya kapag tumitingin siya sa screen ng kanyang computer. "Alam mo, para kang siraulo." Naiiling kong sabi at bumalik sa pagta-type.

"Thanks for insulting me and dahil diyan, dalhin mo 'to kay Mrs. Madrigal," binigyan niya na naman ako ng another papeles. "At eto ay kay Mr. Gonzales." Another pile of papers.

"Wait lang, hindi pa nga ako tapos dito," sabi ko pero tiningnan lang ako ni Raydin. "Eto na, kikilos na." I said at kinuha ko ang mga papel na na nakapatong sa desk niya.

Sabihin na natin na hindi naman masyadong mahirap ang masyadong pinapagawa sa akin ngayong intern ako rito sa Stargame. Tama si Cherry, puro light works ang napupunta sa akin kumpara sa kanila na maghapon na nagko-codes. Ang sakit no'n sa batok.

Lunch break at sa may canteen sa third floor kami kumain, kasama ko sina Cherry at mga workmates naming sina Jessa at Rose. Masarap ang mga ulam dito sa canteen kung kaya't dito ako madalas kumain.

"Uy, Dani, huwag mo naman masamain pero ano bang relationship status ninyo ni sir?" Tanong ni Cherry at tinignan din ako nung dalawa naming kasama na para bang iniintriga ako.

"Iisang school lang kayo 'diba? Same department din kayo!" Sabi naman ni Jessa. Mabilis talagang kumalat ang tsismis.

"Oo pero hindi kami magkaibigan," Sabi ko at kumunot ang noo nilang tatlo. "Magkaaway kami. We're enemies in all aspect." Sabi ko.

Sumubo ak ng kinakain kong menudo habang sila'y hindi tumigil sa pag-uusisa kay Raydin. "Magkaaway kayo pero close kayo? May ganoon?" Tanong ni Rose.

"Oo, kami." Hinihintay ko lang din naman na matalo ko si Raydin, parati niya akong natatalo sa kahit anong bagay.

"'Teh, magkaaway nga ba kayo o baka naman dine-deny ninyo lang na gusto ninyo ang isa't-isa." Tukso ni Cherry kung kaya't nag-ayiiee at naghampasan ng braso sina Rose at Jessa na para bang gustong-gusto nila ang idea.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon