Prologue

1.8M 31.7K 11.4K
                                    

Prologue

"I'll wait for your text, baby." rinig kong sabi ng isang babae na kakalabas lang ng aming gate.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko man lang nagawang iiwas ang tingin ko nang makitang hinalikan niya sa labi si Sean.

It's a new girl again. Kung sabagay, kailan nga ba siya umulit ng babae?

Sean showed a playful smirk. "Yeah... Just wait for it, Anne."

Ngumuso naman ang babae, slightly offended. "Silly, baby! It's Kane, not Anne." malambing niyang sabi't hindi na ginawang issue ang pagkakamali ni Sean sa kaniyang pangalan.

He's obviously a playboy but she's shrugging that fact away. Well, I can't blame her for that...

Sean forced a laugh. "Oh yeah, Kane! Sorry. My mind got so pre-occupied of the things that we did earlier."

Kahit hindi na bago para sa akin ang marinig ang ganoong linyahan ni Sean ay hindi ko pa rin maiwasan na maramdaman ang pagkirot ng puso ko. But compared to the pain that I felt before, it's more bearable now.

She giggled and softly hit Sean on his firm muscular arms. "Am I that good, baby?" she asked while raising her eyebrows.

"Yeah..." nakangising sagot ni Sean. "You took me to ecstasy. Glad that I've met you earlier at the club." he flirted.

Ngumiti naman ang babae. "Well, me too. I'm glad that I went to that bar." she flirted back.

Sean suddenly raised his arm to see his wrist watch. He acted like he's already sleepy while looking at his wrist watch but I know that he's already bored.

"So, you better get going. I need to sleep earlier. I still have work." malinis niyang pagtaboy sa babae.

"Okay..." medyo bigong sabi ng babae ngunit bumawi naman sa paghalik ulit sa labi ni Sean. "See you again." she said before she finally got in the taxi that was waiting for her for a few minutes already.

See you again? I knew better... that's her first and last night with Sean.

Nang makaalis na ang taxi ay nakita kong pumasok na agad si Sean sa loob ng bahay.

Huminga muna ako ng malalim at lumabas na sa pinagtataguang sasakyan ni Sean na nakaparada sa harap ng gate bago pumasok sa aming bahay.

Pagpasok ko sa sala ay nakita kong wala siya doon. Siguro'y nandoon na siya sa kwarto.

Dumiretso naman ako sa kusina pagkadaan sa may sala at nakitang nandoon pa si Manang na nag-iinit ng mga natirang ulam sa may microwave.

"Oh, Sandra!" ani Manang nang mamataan akong pumasok sa kusina. "Bakit naman ngayon ka lang? Madalas ka nang ginagabi." nag-aalalang sabi nito sa akin.

I timidly smiled at her. "Alam niyo naman po ang dahilan..." I trailed. I don't want to continue any further.

Kumuha naman ako ng baso sa may glass rack sa cabinet sa ilalim ng counter top saka ito inilapag.

Manang released a deep breathe. I know she understands me. Alam niya ang mga nangyayari dito sa bahay. Hindi ko na kailangang isalaysay pa.

"Pero hindi ba't mas maganda pa rin kung nandito ka? Malay mo'y mapigilan mo siya kahit papaano." she tried to make me try again. "Ako ang nahihirapan sa inyong dalawa..."

Nagsalin ako ng tubig sa aking baso bago pagod na nilingon si Manang.

"Nagawa ko na po 'yon dati, 'diba Manang? Wala naman pong nangyari. Walang nagbago. Everything's still the same." sabi ko bago huminga ng malalim nang maalala ang nangyari dati noong sinubukan ko siyang pigilan. "Naaalala niyo naman po siguro ang nangyari noon nung ginawa ko 'yon. Ako pa po ang napahiya 'diba?"

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon