Aftershock

13 1 0
                                    

Sa tuwing ika'y aking tinitingnan,
Para na din akong tumingin sa kalangitan.
Ang saya sa pakiramdam pag ika'y pinagmamasdan
Napapangiti pag naiisip na ika'y aking nahahagkan

Ako'y hindi kagandahan, pero napansin mo
Ako'y maypagka gago, pero napatino mo
Ako'y madaming kamalian, pero tinaggap mo
Ako'y iyong kaibigan, na minahal mo.

Maswerte kung susumahin
Pagmamahal ko sayo'y nasuklian din
Umaasang magtatagal kung ano man tong meron sa atin.
Kahit minsan ang nararamdaman nati'y mahirap unawain

Hindi man ikaw ang pinakagwapo sa paningin ko
Ikaw lang naman ang nilalaman ng puso ko
Kiligin man ako sa iba, Pangako, sayo lang lalandi to.
Salamat dahil tinuruan mo ako kung paano magmahal muli ang dating gago.

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now