Magic 35

5.7K 121 4
                                    




XXX


A day with Night

Raven's Pov

Isang buong araw na tinuro ni Ma'am Irene ang step na sasayawin namin at halos lahat ay gagawa na ito ng mabuti pwera samin ni Prince Night .

Si Prince Night alam kong kabisado nya na ang sayaw ngunit ako lang ang palaging mali . Kung di ko sya natatapakan, mali ako ng step o galaw .


'Hay!' Buntong hininga ko .

Nakauwi na rin ako sa wakas sa aming kwarto ni Kaera . At ngyon pinagtatawanan lang ako ni Kaera ng ikwento ko sa kanya ang nangyari .

'Ang swerte mo Raven si Prince Night ang partner mo . ' ani nito

Tumingin ako rito at nakita kong ngiting ngiti ito .

'H-hindi ka nagseselos ?' Tanong ko .

Kaso nakita ko itong umiling ilang . 'Mas gugustuhin ko pang ikaw ang makapartner ni Baby loves kesa kay Ashlinn '

Ashlinn . Yun ba yung babaeng ang sama sama ng tingin sakin . Maikli ang buhok nito at kapareha ito ni Kenji ang nasa Rank 8 . Sa pagkakatanda ko ay rank 10 si Ashlinn .

'Kaagaw ko yun kay my loves e. Mas gugustohin ko pang ikaw ang naging kaparehas nya kesa sa impaktitang yun ' dagdag nya pa .

Kaya naman pala e .

'So maiba tayo Raven sabi mo isasama mo ko sa praktis nyo ni Prince Night sa Garden of thorn diba ? ' tanong nito . Na Mukhang excited na excited.

Naramdaman kong umupo ito sa kama ko at tumingin sakin na abot sa tenga ang ngiti .

'Diba Raven ?'

'Oo bukas after ng klase natin. ' sagot ko .

'Whaaah thank you Raven mahal na mahal talaga kita . Salamat hah. ' ani nito na halatang hindi na makaintay na dumating na ang bukas.

Hay! Buti naman masaya na sya .


'Matanong ko lang k-kaera bakit mo nagustohan si Prince Night?' Nahihiya kong tanong .

Ngumiti muna ito sakin bago magsalita .

'Bakit ko sya gusto kasi sya ang Prince Charming ko. Despite of his look mabait si Prince Night dahil niligtas nya ko ' paninimula nya .

'Niligtas ka ?' Pagtataka ko .

Tumango tango ulit ito at parang inaalala yung nangyari .

'Ganto kasi yun Raven, may pagdiriwang nun sa kaharian ng Wolfestien at imbitado kami ng mga magulang ko. Kaso biglang yumanig ang lupa nun at muntikan na kong malaglagan ng mga bato kaso niligtas ako ng nakamaskarang puti na may rosas sa gilid . ' kwento nito na ngiting ngiti.

'Nakamaskara ? Pano mo na laman na si Prince Night yun ?'

'Alam ko yung suot nyang maskara nun n-nakasayaw ko kasi nun at mascared ball ang theme ng party ' sagot nito.

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon