PAYMENT 39

3.2K 56 1
                                    

I am thinking now. Does dying is better than this pain?

"From now on I'll check you every now and then, Jane. Don't skip meals and call me if—"

But I don't truly can understand anything right now. Para lang akong nakalutang sa ere at hinehele. Maybe because of the medicine? Or not?

Inayos nito ang kumot ko bago tuluyang lumabas sa silid na kinaroroonan ko. Tulala lang ako sa puting kisame na nasa harap ko. The doctor told me that I have a stage three stomach cancer.

"Mindy!? Mindy!" Napatingin ako sa pinto na padarag na bumukas. Mula doon ay nakita ko ang pinakamatalik kong kaibigan, my soul sister.

Hindi ko alam kung bakit tuloy-tuloy ang tulo ng luha sa mga mata niya habang palapit sakin. Why is she crying? At kelan pa naging iyakin si Blair?

"Don't worry... I'll take c-care of you! Nandito lang ako lagi para sayo!"

I don't understand why she's sobbing now. Binalot niya ko ng mga bisig niya habang umiiyak pa rin but I still feel empty. Is this the feeling of dying? Hindi din naman pala masama. No pain inflicted.

She said so many things pero wala talaga akong maintindihan. I'm too tired to understand anything right now. The door opened again at si Kaine naman ang nilabas nito. Blanko lang ang mukha nito habang papalapit saakin.

"Where's Gray?" Bungad nito sakin.

Mapait akong ngumiti dito at umiling. Suddenly the pain hype up, it hurts so bad. Nakita ko ang galit sa mga mata niya pero agad ding nawala at malambot akong tinignan.

"Don't worry my love. I'll take care of you. Akong bahala sayo simula ngayon."

Days had passed. I've been hospital arrest. Laging si Blair, Kaine, si Nanay o di kaya si Jake, my doctor ang nagbabantay sakin. They all say that they will take care of me. Is it because I can't take care of myself because I'm about to die? This sickness explains why I feel so low and vomit often this past few months. Madalas ding sumakit ang bandang tiyan ko lalo na tuwing iinom ako ng gamot o may tuturok sakin. Namimilipit ako sa tindi ng sakit.

Maliit na ngiti lang ang nagawad ko kay Blair habang sinusubuan niya ko. Seryoso lang ang mukha niya habang pinapakain ako dahil hindi ko na mapakain ang sarili ko. My hands hurt so much because of the syringe they inject to me time to time. Magang-maga din ito kaya ni hindi ko man lang mapakain ang sarili ko.

Napatingin ako sa pinto ng pumasok mula doon si Kaine. Katulad ni Blair ay seryoso lang din ang mukha nito. He sat on the sofa at tumitig sakin kaya ginawaran ko din siya ng maliit na ngiti.

"Anong sabi Kaine?"

"It's still the same diagnosis," frustrated na sabi ni Kaine.

Hindi na ko nagulat sa sinabi ni Kaine habang nag-uusap sila ni Blair. Hindi na din naman ako naasa, I know I'm really sick. Sila lang yung hindi makatanggap tungkol doon. They asked for second, third and now... fourth opinion about my case pero ganun pa rin ang kinalalabasan. Stage three stomach cancer.

Pagbukas ulit ng pinto ay pumasok si Nanay ng nakangiti samin lahat. May dala siyang mga prutas at masayang lumapit saamin.

"Naku kayo talaga! Aba'y bakit nakabusangot yaong mga mukha niyo? Gagaling din si Mindy kaya dapat lagi lang tayong masaya!" Nakangiting saad nito saamin.

Umupo agad ito at sinimulan akong ipagbalat ng prutas. Tinignan ko mabuti si Nanay. Hindi man siya ang tunay kong ina o lola tinuring ko siyang higit pa doon at ang lungkot sa mga mata niya ay nagpapakirot ng puso ko. Pinipilit niyang maging masaya pero kitang-kita ko sa mga mata niya ang labis na lungkot.

Her DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon