Shoot 41 "Surprise her"

64.8K 3.6K 1.3K
                                    

"Dani, where are you now?" Sabi ni Sophia sa kabilang linya habang ako ay nagmamadaling isuot ang sapatos ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Dani, where are you now?" Sabi ni Sophia sa kabilang linya habang ako ay nagmamadaling isuot ang sapatos ko. I am late sa usapan namin sahil tinambakan ako ni Raydin kagabi nang trabaho.

Hindi pala tinambakan, pare-parehas kaming maraming ginawa.

"Eto na, naglalakad na ako papunta sa kanto," I informed her at inayos ang pagkakasukbit ng aking bag. We both decided na magkita na lang sa convenience store malapit sa school.

"Bilisan mo, kanina pa kami naghihintay," she said on the other line.

Napakunot ako ng noo at nagtaka. "Kami? Meaning may kasama ka diyan na iba?"

"Yes, yung driver natin." Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Sophia sa akin.

May humintong jeep sa tapat ng kanto namin na agad ko pinara. "Sige na, bababa ko na. Pasakay na ako, 20 minutes lang biyahe ko don't worry." I ended the phone call at hindi na hinintay ang sasabihin ni Sophia. Sumakay na ako ng jeep at nagbayad.

Pagkarating na pagkarating ko sa meeting place ay agad kong nakita si Sophia na nakaupo sa isa sa mga table. Nung una ay si Sophia lang ang nakikita ko pero nung palapit na ako ay may kasama nga siya. "A-anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.

Umangkla si Sophia sa braso ko. "Chill. Nandito si Mateo para raw bumawi, he will give us a ride hanggang sa Pangasinan."

"Alam mo naman na inis ako sa lalaking iyan 'diba?" Kunot noo kong tanong kay Sophia.

"Siya yung sinasabi kong driver natin. Okay lang 'yon, Dani. Even I, hindi pa ako ganoon kagaling mag-drive so mahihirapan ako sa mga long ride na ganito." Nakangiting sabi ni Sophia.

Parang nung nakaraang magkasama kami ay inis na inis siya kay Mateo pero heto siya, dala niya pa ang binata sa dapat 'girls bonding' namin.

"Look, I feel so bad nung huli nating pagkikita and I am a total asshole on that part," buti alam niya. "Pero babawi naman ako ngayon, I will not become ay eyesore. Sasamahan ko lang kayo. Nasa sa'yo na kung mapapatawad mo ako o hindi." Mateo explained to me at nakita ko ang point niya.

I sighed as a sign of forfeiting. "Okay-okay, talo na ako." I declared. "Pasok lang ako sa convenience store, bili lang akong ng pang-breakfast." Sabi ko and Sophia clapped her hands na parang natuwa.

Ayoko rin naman magkaroon pa ng alitan sa aming dalawa dahil lang dito. Ang goal namin is ma-surprise si Lucky hindi magkaroon ng alitan sa pagitan naming dalawa.

Sumakay na kami sa kotse ni Mateo nung nakabili na ako. Ako mag-isa sa back seat samantalang si Sophia ang umupo sa shotgun seat. Ayaw ni Mateo na parehas kaming umupo sa backseat dahil magmumukha daw siyang katulong namin dalawa.

"Ready?" Mateo asked us while a loud Chainsmoker song playing inside the car.

"Ready!" Sophia and I shouted at nagsimula ng magmaneho si Mateo.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon