Shoot 42 "Her condition"

57.2K 3.6K 500
                                    

As we followed nanay Rita, hindi pa rin ako makapaniwala na nasa ospital si Lucly o mas kilala ngang Jane sa real life

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

As we followed nanay Rita, hindi pa rin ako makapaniwala na nasa ospital si Lucly o mas kilala ngang Jane sa real life. Paulit-ulit namin kinulit si nanay Rita kung ano ang sakit ni Jane pero sinasabi niya na lang na tingnan namin ito.

Mula Santa Barbara ay bumiyahe pa kami tungo sa Dagupan City, sa LMC Hospital to be exact. Bihira lang ako makapunta sa mga ospital since hindi naman ako sakitin pero nakakakaba din pala.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at huminto sa isang silid sa ikalawang palapag.

"Nandiyan, nandiyan sa silid na 'yan ang anak ko," sabi ni nanay Rita at may luha na namumuo sa kanyang mata. "Pasensya na kung naiiyak ako, ito kasi ang unang beses na may mga kaibigan si Jane na dumalaw sa kanya."

I am not good at comforting people pero niyakap ko si nanay Rita at ganoon din ang ginawa ni Sophia.

"Sige na, pumasok na kayo, paniguradong matutuwa si Jane kung makikita niya kayo." Sabi ni nanay Rita. Hindi raw muna siya papasok dahil may bibilim siya sa labas.

Sophoa knocked three times before opening the door. Unti-unting sumilay sa amin ang mukha ni Lucky o Jane. Sobrang pale nang kulay ng balat niya, halos makalbo na rin siya dahil kaunti na lang ang kanyang buhok. She's staring us at ang banayag sa pakiramdam ng kanyang mata.

Nakasuot siya ng hospital gown at nakahiga sa hospital bed, napasandal siya nung makita niya kami.

Ngumiti uto sa amin at pansin kong nagbabalat ang kanyang labi. "Mali po yata kayo ng napasukang kwarto." Sabi ni Jane.

Tumalikod ako upang pigilan ang aking luha. "Don't cry," Mateo tapped my shoulder. Tama, hindi ko dapat ipakita na naaawa ako sa sitwasyon ni Lucky.

"Lucky," she looked so shocked when Sophia said her username. "K-kami 'to..." Sophia tried to be strong pero nag-crack ang kanyang boses. Kahit siya, hindi niya matanggap na nasa ganitong kalagayan ang aming kaibigan.

Jane looked so shocked when Sophia say her username. Kung may nakakaalam man nang username niya sa SWO, kami-kami lang 'yon. A shocked on her face easily fades in at napalitan ng isang ngiti.

"So you guys finally visited me here. Nakita ninyo ako sa ganitong sitwasyon." Sinubukan paypayan ni Jane ang kanyang mata upang pigilan ang kanyang luha.

"No, don't cry," lumapit kaming tatlo sa kanya. "Pasensya ka na kung biglaan ang ginawa naming pagdalaw sa'yo." Paliwanag ko.

"E-eto ang rason kung bakit hindi ako parati makapunta sa mga pinaplano ninyong meet up. I am here at LMC Hospital for almost a year," She explained to us habang naiiyak. "Ahhh! Ayoko pa naman... Ayoko pa namang umiyak ngayon. Alam ninyo bang gustong-gusto ko sumama sa mga pinaplano ninyong meet up since I wanted to meet you guys, but this damn illness... Hindi niya ako pinapayagan."

Okay, hindi ko na kaya, tumulo na ng tuluyan ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Yeah, this is the first time that we meet Jane, pero si Lucky? Lucky is our friends for 6 months. Ang dami na naming pinagsamahan kung kaya't masakit para sa akin na makita siyang ganito.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon