Level 28

6.3K 318 50
                                    

"Msytic?" nandito kami ngayon sa cr malapit sa mga lumang room, nagbabakasakaling nandito siya.

"S-She's not he--

"Look over there," Kunot noo ako napabaling sa tinitignan niya.

Bukas ang kisame ng isang cubicle.

Can she be....

"Let's go." hindi pa ako nakakabawi ay hinila niya na ako.

"it's connected to the second floor of the room, I've been here before." Seryoso niyang sabi habang diretsong nakatingin sa daan.

Tahimik akong sumunod sa pag hila niya. I hope Mystic's fine.

"Here." Bigla siyang huminto kaya nasubsob ako sa likod niya.

He smells so good that I want to capture this moment, but this isn't the right time for this.

"S-Sorry." Sabi ko habang hinihilot ang ilong kong tumama sa matigas niyang likod.

Kunot noo itong bumaling sakin at napangisi ng mapagtanto ang nangyari.

"She might be here." bumalik ako sa realidad nang muli niya akong hinila.

"Mystic?" Papasok na sana ako sa room ng bigla siyang humarang sa harapan ko.

"Stay still, someone's watching us." kalmado niyang saad pero ramdam ko ang pagbabago sa boses niya.

"W-What?" Sa ginawa niyang pagtingin sa kamay niya ay ngayon ko lang naintindihan, nasanay na kasi ako na umiilaw ang marka ko pag malapit siya.

"Ano ba 'yan, nahuli agad. Sue, labas na." Walang ganang saad ng isang matangkad na lalaki na lumitaw mula sa pader.

"Eros." The guy just smirked at Kairo. Mag kakilala pala sila.

"Hello my dear cousin. Bakit ka pala nandito?" They're cousin?

"Alam mo kung bakit ako nandito."

"Oh, kalma." tumatawang sabi nito. "Puso mo."

"I'm not here to play games with you, where's the girl."

"Too bad, in this game, we're the ones being played. Bakit hindi nalang natin sakyan? tutal nakakalibang naman ang larong ito." Biglang sumeryoso ang mukha ng lalaki. Nanlaki ang mata ko ng mag summon ito ng espada.

"Tss.  We both know what I can do plus, you're not a good actor." Nakangising sabi ni Kairo na nagpabago sa reaksyon ng lalaki.

"Stop it, Eros. Let's go." Sabi ng isang lalaki, si Sue. I knew him, we're batch mates.

"N-Nasaan si Mystic?" Tanong ko dito dahil sa kanilang dalawa, mukhang mas kalmado itong kausap.

"Don't worry she's fine." Sabi nito ng may maliit na ngiti sa mukha.

"T-Thank you."

"It's too early for you to thank me, lady." Seryoso nitong saad.

"You know what will happen if you let them pass," ngayon ay hinarap na siya ni Eros.

"I know." Saad nito bago tuluyang umalis.

Nagulat ako sa ginawa nito. Sinundan ko siya ng tingin hanggang tuluyang na itong makalayo. He knew what will happen if he refuse his task, but he still do it.

It saddens me that we were being controlled by this insane game. Tulad niya, alam ko namang mabait siya, hirap lang siyang ipakita sa tao, parang si Kairo.

"Mystic!" Mabilis ang hakbang ko nang makita ko siyang walang malay sa loob ng room.

ilang beses ko pang makikita ang mga kaibigan ko ng ganito?

Teary eyed, nilapitan ko siya at mabilis na dinaluhan.

"How is she?" Tanong ko sa nurse ng lumabas ito ng kwarto.

Nandito kami ngayon sa clinic hindi ko alam ang mararamdaman ko na kasama ko ang tatlong lalaking ito, nagulat nalang ako na pati si Eros at Sue ay sumunod sa clinic. Si Mystic ay tahimik na natutulog sa loob habang kami ay nandito sa labas at hinihintay siya magising. May itinurok daw kasi sila dito, pakiramdam ko tulad ng inilagay kay Nico noon.

"Alam ko namang ginawa niyo lang ito dahil sa task, p-pero bakit kayo sumusunod sa ganito? I-I mean, mukhang matagal na kayong players, ni minsan ba hindi niyo naisip hanapin yung nagsimula nito?"

Pareho silang tumingin sa'kin na tila may nakakatawa sa sinabi ko.

"You really are a newbie, far from the girl I know." Naiiling na sabi ni Eros na nagpakunot sa noo ko.

"Ayun sila!" Isang sigaw mula sa grupo ng mga lalaki ang nagpabaling sa'min.

Okay, bakit sila papunta dito? Mukha silang naghahanap ng gulo.

"Ang bilis naman," tumatawang sabi ni Eros bago nito I-summon ang espada niya.

"Whoever invented this game, he's a sucker of it. Talagang itatapat sa'tin ang mga level two?" Sue said, smirking.

So these guys were a player too? Ganoon na ba kadami ang naglalaro ng Enigma sa skwelahang ito?

"Pumasok ka sa loob." Nagulat ako ng biglang humarang si Kairo sa harapan ko.

"This is our consequence, just go and save your butt." Pang aasar ni Eros.

"It's not my intention to save your ass, I just don't want to be in debt with you." Sabi nito bago ako tuluyang itulak papasok ng clinic.

"L-Let me help you," pero hindi ako nag patinag at bumalik ako.

"Magiging pabigat ka lang dito, just go." Malamig nitong saad na nagpahinto sa'kin.

Right. Ilang beses na siyang nahirapan dahil sa'kin. At ito, tatlong tao na ngayon ang nadamay. Hindi ko man ginusto, kasalanan ko pa din kasi mahina ako.

Pero bakit nasaktan ako sa sinabi niya? Oo totoo, baka wala akong maitulong sa kanila, but I want to at least try, gaya ng sabi niya, ayoko nang maging pabigat pero kahit ano atang gawin ko, pabigat ako. Kahit kanino. Kaya nga kahit ang tita ko ay halos itaboy ako sa sarili kong bahay.

Hindi ko na nagawang iangat muli ang tingin ko sa kanila, ayokong makita niyang naiiyak ako.

Half running, I went inside the clinic and found myself crying in front of her.

Sa harap ng taong alam kong isa sa nakakaintindi at nakakatanggap sa'kin. Kahit ano o sino ako.

Wake up, Mystic. Hindi ko alam kung kelan matatapos ang larong ito, but I hope when the game ends, nasa tabi ko pa din kayo.

×××
What can you say about this chapter? Medyo mas mahaba 'to kumpara sa iba haha. Hope you like it.

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon