[65] Baby, why can't we just start over again? Get it back to the way it was.

2.8K 91 74
                                    

A/N: Troy and Aries (korean characters) >> 

Kasama sila sa The Heirs. Share ko lang, baka sakaling napanuod niyo na. 

Chapter Dedicated to: CuteLittleAuthor. 

xxx

Chapter Sixty Five

ARIES

“Aries.” Napalingon ako sa lalaking tumawag ng aking pangalan.

Nagulat ako nang makilala kung sino iyon. Nagkikita naman kami sa classroom dahil magka-klase kami but after what happened between us, he never approached me in the first place.

“D-Dale?” I stuttered.

Natatandaan niyo ba yung kwento ni Sage tungkol dun sa aksidenteng kiss namin ni Troy? Aksidente kaya yun! Si Sage lang ang nagpu-push na ginusto namin yon. Si Troy kasi, napagkamalan akong si Helga (na ex-girlfriend na niya ngayon) at akala ko naman si Dale (na ex-boyfriend ko na ngayon) siya, kaya ayun. Alam niyo na yun. (-___-’)

Kapag naaalala ko talaga yung nangyari sa amin ni Troy, kinikilabutan ako. That was my first kiss. At hayop na Troy Bernardo na yon! Pagkamalan daw ba akong girlfriend niya. Eh mas maganda naman ako don! Parang hipon kaya yun. Hindi ko makasundo ang ugali. Buti na lang naghiwalay na sila ni Troy. Hahaha. But that was two years ago na so let’s forget the past.

Speaking of past. “Can we talk? May sasabihin lang ako.”

Ugh! Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Dale. TALK? ‘Can we talk’ ang pinaka-ayokong salita sa lahat. Si Dale ang first boyfriend ko. At noong makipag-break siya sa akin, Can we talk ang una niyang binaggit.

Naka-move on na naman ako sa kanya. Pero hangga’t hindi ko kasi maintindihan ang totoong rason niya, hindi ko mapigilang magalit. Ano bang klaseng reason yung ‘Pagod na ako. Let’s end this.’ Shit lang, diba?

“O-Okay.” It was all I could say.

“About our project in Accounting. Nagtext kasi sa akin si Francel na pumunta tayo sa kanila after Campus Night dahil bukas na ang submission non. May konting aberya kasi.”

“G-Ganon ba?” I felt relieved. Yun lang pala. Magka-grupo kasi kami ni Dale, Francel at Ivan sa project na to. “Sige. Pupunta ako.”

“Sumabay ka na sa akin. Ayokong mag-commute ka. Gabi na rin at saka delikado na sa daan.” Ma-awtoridad na sabi niya.

I looked in his eyes at muka itong seryoso. Hindi kaya maging awkward kami sa loob ng kotse niya? Duuuuh! After two years, ngayon ko na lang ulit siya makakasabay. Ayoko nga! AYOKO! Hindi ako papayag na makasama siya! Galit ako sa—

“Okay, sige. Yun lang ba?”

(-_____-’) Para ka talagang timang, Aries!

“And about us.” Halos pabulong na sabi nito pero sapat na iyon para marinig ko. Anong US? Grabe! Wala ng ‘us’ sa aming dalawa. My gahd! Maybe This Time lang ang peg?

“H-Ha? Ano? K-Kasi—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang maramdaman kong may yumakap sa bewang ko. Sisikuhin ko na sana kaso pamilyar yung boses niya.

“Love, anong pinag-uusapan niyo?” Nakangiting tanong ni Troy sa akin.

“Huh?” Tinaasan ko ito ng kilay. Anong love ang pinagsasasabi nito? Daming alam e! (-_-) “Anong sinasab—ow.” Bakit nangungurot tong epal na to!

“Ang cute mo talaga, love.” Pinisil nito ang pisngi ko at binigyan ako ng isang makisakay-ka-nalang look. “Let’s go home?”

“Y-You’re together?” Seryosong tanong ni Dale habang nakatingin sa akin. Haluh! Bakit sa akin siya nakatingin? Ano bang ginawa ko? Wala naman ah! (-___-)

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon