BOSS • 19

86.4K 1.2K 10
                                    

Magkahawak-kamay na tinungo nina Alisson at Liam ang kwarto kung saan naroroon si Blue.

Kasalukuyan pa ring natutulog ang bata ng mabuksan nila ang pinto pero makaraan ang ilang minuto ng pananatili nilang dalawa roon sa loob ay nagising ito, na para bang alam nito na nandoon na silang pareho.

Akmang lalapit na si Alisson sa anak para buhatin ito pero naunahan siya ni Liam. The man carried Blue and started baby talking to him. Hindi niya maiwasang mapangiti doon lalo pa at mukhang tuwang-tuwa ang kanyang anak sa ginagawa ng lalaki.

They stayed there for some more minutes before deciding to go down the dining area. Ipinatawag na rin kasi sila ng ina ni Liam dahil nakahanda na raw ang agahan.

Liam didn't let her carry Blue while going down the stairs. Ang katwiran nito ay ayaw raw siya nitong makitang mahirapan lalo pa at hindi naman siya sanay na mag-akyat baba sa hagdan ng buhat-buhat ang bata.

True to what he said, minsan ay nahihirapan na siyang buhatin ang anak dahil sa taglay nitong kabigatan. Idagdag na rin iyong nagsisimula na itong maging malikot at mag-explore ng mga bagay na nakikita nito sa paligid.

Blue is really growing up so fast. Sa darating na buwan ay mag-aanim na buwan na ito at plano niya na i-celebrate ang six month birthday nito. Wala pa siyang concrete na plano kung saan at paano.

She was about to get Blue from Liam for him to start eating but the man didn't let her so.

"I'll carry Blue. Kumain ka na muna dyan." Anito saka muling binalingan ang bata na tuwang-tuwa sa paghila sa damit ng lalaki.

"Paano ka?" Tanong pa niya. Muli naman itong tumingin sa kanya saka ngumisi.

"I'll eat later. But if you insists that I should eat too, you can feed me, baby."

Kung may kinakain lamang siguro siya o iniinom ng mga oras na iyon ay baka nasamid na siya sa lantaran nitong pagsasabi niyon.

Narinig pa nga niya ang bahagyang pagtawa ng mag-asawang Stanfield dahil sa sinabing iyon ng anak nila. Siya tuloy itong tinamaan ng pagkahiya dahil doon.

The couple didn't asked her any questions about her being Liam's girlfriend already. Para bang alam ng mga ito ang nangyari sa kanilang dalawa ni Liam. Niyakap lamang siya ng mahigpit ng mommy nito pagkatapos ay binulungan ng welcome to the family. Ang asawa naman nito na si Mr. Wison ay tatangu-tango lamang sa kanya habang hindi nawawala ang mapanudyong ngiti sa mga labi.

Her heart is at peace right now knowing the fact that the parents of the man she likes, likes her too. Pati ang iba pa nitong mga kamag-anak na naroon din ng mga oras na iyon ay mababakas ang saya sa mukha lalo na ng malaman na may girlfriend na si Liam.

Hindi naman niya maiwasang pagtakahan ang bagay na iyon. Bakit parang big deal sa mga ito ang pagkakaroon ni Liam ng kasintahan? Gaano ba katagal na walang ipinapakilalang girlfriend ang lalaki sa pamilya niya? At ilan na kaya ang naipakilala nitong babae bilang girlfriend? Ilan na ba ang sineryoso nito at minahal ng todo?

Somehow, those thoughts kept on bugging her.

Kanina pa silang tapos mag-almusal. Hinihintay na lamang niya si Liam at ang iba pa nilang mga kasama sa pag-a-island hopping ngayong araw.

She stayed inside their room while waiting for her boyfriend to call her. She kept on staring at her sleeping son, who obviously got tired because of playing.

Hinaplos niya ang mukha ng bata at sa hindi malamang dahilan ay may nakita siyang mukha na alam niya at imposibleng maging kamukha nito. From his eyebrows to his aristocrat nose down to his lips, it's alike with...

BOSS Series 1: My boss, His daddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon