Chapter 1

10.4K 645 93
                                    

THIS IS THE THIRD BOOK OF THE HANSEN SISTERS SERIES

Date started: July 16, 2017

Date completed: August 19, 2021

Note: All books for Hansen Sisters Series is already completed and can be read by chronological order as stated on the title, story description, and the first chapter part.

***

"May update na ba?" Ang pang-entradang tanong ni Valeen pagkapasok ko pa lang sa loob ng classroom. Natawa tuloy ako sa kanya. Mas inuna niyang itanong yung update kaysa sa assignment namin, eh.

"Wala pa nga, eh." sagot ko. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Kakaloka! Ang tagal ko nang naghihintay ng update kay Kuya Nishi my love pero wala pa rin.

Nalungkot naman si Ate Girl bago yumuko sa desk niya at nag-iinarteng umungot.

"Naiinip na ako!" Tumingin siya sa'kin at ngumisi. "Gustung-gusto ko nang malaman yung sunod na ganap kay Jared at Minami! Ano na? Ano na?"

"Malay ko." Natatawang sagot ko sa kanya. "Maghintay ka na lang, Val, babalitaan naman kita."

"Kung sabagay," Ngumiwi siya. "Wala rin pala akong pan-load. Hindi rin ako makakapag-Wattpad. Free data is real!" Singhal niya. "Iiyak na ako!"

"Sira ka!" Binatukan ko siya. Nambelat lang siya at inirapan ako ng pabiro. "Sa assignment, wala kang itatanong?"

Napasinghap siya habang nanlalaki ang mata. "Oo nga pala!" Hinalughog niya ang bag. "May assignment ka? Pakopya!"

"Mangongopya nga rin ako, eh."

"Patay." Napakamot siya sa ulo. Tumayo siya, luminga-linga, naghahanap ng pwedeng kopyahan. Maya-maya ay agaran niyang nilapitan si West na kararating lang.

Gosh, kay West talaga? Gaano ba kakapal ang fez nitong kaibigan ko?

"West, my friend!" Tawag ni Val do'n kay Hansen na kakalagay pa lang ng bag niya. Pansin ko naman yung kambal niya na kakaupo pa lang sa sariling pwesto nito at agad na dinaldal yung new classmate namin na si Lucy. Si Lucy na walang malay—ang pasikretong tawag sa kanya ng mga kaklase ko. "May assignment ka?"

Tatangu-tango naman si West pero halos wala namang karea-reaction. Basta na lang nitong inilabas ang notebook sa bag at inabot kay Valeen na abot tainga ang ngiti.

"Hulog ka talaga ng langit, West!"

Pilit na ngumiti yung isa bago umupo. Nakatutok na siya sa cellphone niya.

Bumalik sa'kin si Valeen na pakandi-kandirit pa. "Got it!"

"Hindi ka na nahiya ro'n sa tao." Mahinang hinampas ko siya sa balikat nang makaupo. "Sa kanya ka talaga mangongopya, 'no?"

"Ako lang ba?" tanong niya, "Siyempre kokopya ka rin naman, sus!"

"Iyon nga, pero pwede namang huwag kay West."

"Bakit? Mabait naman si West, at saka mas malapit yung upuan niya sa atin. Alangang kay East pa."

"Baka kasi napipilitan lang siyang pakopyahin ka," sabi ko na lang. Tingin ko kasi si West yung klase ng tao na hindi marunong tumanggi. Kita naman, pinahiram niya agad yung notebook niya. Okay lang ba talaga sa kanya na magpakopya?

"Hindi 'yan, alam kong mabait 'yan." Ngumiti siya sa'kin na parang bata, iyong labas talaga ang ngipin. "Tahimik lang 'yan si West pero deep inside, mabait siya. At saka, ano kasi..." Mas lumapit siya at parang kiti-kiti na humagikhik. "Crush ko siya."

Jonah Complex [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon