Kabanata 25

22.1K 901 36
                                    

I stepped outside the plane. Hindi ko alam na na-miss ko rin pala dito. Ang init, ang hangin, ang mga ngiti ng mga Pilipinong makakasalubong mo. Napag-usapan namin ni Kaleb na siya ang susundo sa akon sa airport.

Welcome back Pretty Gail

Natawa ako sa karatulang hawak ni Kaleb. Tumakbo ako palapit sa kanya at agad siyang niyakap.

"I missed you." Sabi ko sa kanya.

"I missed you more." Bumitaw na kami mula sa pagkakayakap. "So Gail, ano na ang masasabi mo sa Pilipinas?"

Tumingin ako sa paligid at sumimangot. "Anim na taon akong nawala dito, pero wala paring nagbago."

"Well what do you expect?" He rolled his eyes.

"I expect some good changes."

"Bakit hindi ka tumakbo bilang presidente sa susunod na election para makita mo yang changes na hinahanap mo." Nang aasar na sabi niya.

"Ha ha ha last mo na yan ah." I told him sarcastically.

"Isa pang asar mo diyan hindi kita papatuluyin sa condo ko."

"Takot ako." Bigla niyang kinurot ang magkabilang pisnge ko kaya tinatapik ko na ang kamay niya pero hindi parin niya ako binibitawan kaya kinurot ko ng paulit-ulit yung kamay niya.

"Naman Kaleb eh." Reklamo ko habang hinahaplos ang dalawa kong pisnge. Nginisihan niya lang ako habang kinukuha ang maleta ko.

"Kailan daw ang meeting niyo ni Mr Wright?" Tanong niya sa akin habang nagda-drive ng sasakyan.

"Tomorrow morning. Bakit?"

"Di ba ipagluluto mo ako ng breakfast, lunch, at dinner?" I rolled my eyes.

"Opo kamahalan. Magluluto po ako ng breakfast bago umalis."

"Good." Bigla siyang ngumiti. "You know I change my mind, bakit hindi nalang tayo kumain sa labas pag lunch?"

"Tama. Para makalibre ako." I smirked at him. Umirap lang siya. "Saan pala ang condo mo?"

"Sa Blue Building. Actually malapit lang sa Main hospital ng mga Wrights. Kinuha ko ang unit kong yun nung nagtatrabaho pa ko sa hospital nila. Walking distance."

"Okay. Mabuti na din yun hindi sayang sa pamasahe." Itinigil niya ang sasakyan dahil sa red light at humarap sa akin habang nakataas ang isang kilay.

"Si Krisandra Gail Dawson na isang billionaire nanghihinayang sa pera?"

"Hindi ako ang bilyonaryo Leavitt, si Dad. Kaya kung pwede, ilibre mo ko habang nandito ako sa Pilipinas?" He laughed and started driving again on green light.

"You're unbelievable." He said.

"Just drive and shut up. Baka yang bibig mo pa ikaaksidente natin." Pagbibiro ko.

"Sa taong makikitira at makikikain sa akin, ang lakas ng loob mong awayin ako." I stuck my tongue at him.

"Good morning Leavitt." Bati ko sa kanya paglabas niya ng kwarto. Inilapag ko na sa lamesa ang niluto kong hotdog, eggs, at ang kape naming dalawa.

"Morning sunshine. Ang aga mo ngayon ah. Did you sleep well?" Tanong niya habang humihigop ng kape.

"Yes." I lied. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Kinakabahan ako para sa meeting ko mamaya. Iniisip ko kung anong mga pwedeng mangyari, kung ano ang magiging reaction nila, lalo na siya.

I Found a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon