Nueve

173K 3.7K 15
                                    

Nueve

Aura

"Sino 'yan?"

Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang magsalita si Yenny sa may gilid ko. "Kakagulat ka naman!"

Tumawa siya. "Sino nga 'yan?" Aniya sa picture na hawak ko ngayon. Iyong picture ng isang lalaki na binigay sa akin nung detective.

"Ewan ko. Binigay lang sa akin 'yan ng isang detective na nagapproach sa kin. Baka daw naging pasyente natin. May natatandaan ka ba na pasyente na ganito ang itsura?" Tanong ko kay Yenny.

"Patingin nga." Kinuha niya ang picture sa akin. Nakataas kilay niyang tinitigan ito. "Wala eh. Edi sana naging type ko 'yan. Sa gwapo ba naman ng lalaking eto ay makakalimutan ko? Syempre hindi. Kaya wala siguro. Pero subukan mo rin magtanong tanong sa mga ibang nurse."

"Iyon nga rin nasa isip ko eh. Kung ganito ka gwapo ang naging pasyente natin edi sana pinagchichismisan na 'yan ng mga ibang nurse." Sagot ko.

Iniabot niya ulit yung picture sa akin. "Oh well. Nga pala, hinahanap ka ni Doc Sanchez."

"Ganun ba? Sige puntahan ko lang." Kinuha ko ang picture at nilagay sa bulsa ko bago ako naglakad papunta sa office ni Doc Sanchez.

Kumatok muna ako bago pumasok. "Um.. Doc Sanchez?" Sumilip ako sa may pinto.

"Pasok ka Aura." Nakita ko siyang nakaupo sa swivel chair niya.

Pumasok ako at umupo sa kaharap nitong upuan.

"Bakit niyo po ako pinatawag?" Magalang na tanong ko.

Pinatong niya ang mga braso niya sa lamesa at tumingin sa akin. "Napansin ko kasi na close ka sa pasyente nating si Migi."

Okay? Anong meron?

"Tapos po?" Naguguluhan na ako.

"I want you to ask him kung gusto niya lumipat ng ibang ospital. Preferably sa Maynila. Hindi kasi kaya ng facilities natin ang ayusin ang nasunog niyang mukha. At saka kailangan na rin talaga natin macontact ang pamilya niya. Kakailanganin niya kasi ng malaking halaga para makapagpaopera siya. I want you to convince him. Ayaw niya kasi makipag usap sa aming mga doktor kahit sa ibang mga nurses." Mahabang paliwanag ni Doc Sanchez.

Napaisip rin ako na baka hinahanap na siya ng pamilya niya. Pero bakit hanggang ngayon ay parang wala lang sa kanya ang nangyari? Ayaw niya ba maibalik ang dati niyang itsura? Bakit ayaw niya makipag usap sa mga doktor? Ang daming kong tanong sa isip.


"Sige po, Doc. Susubukan ko." Tumayo ako at nagpaalam na. Pupuntahan ko si Migi para sabihin sa kanya iyong sinabi ni Doc.

Nasa harapan na ako ng pinto ng kwarto niya. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok at pumasok.

"Nurse." Nakangiting bungad sa akin ni Migi na kasalukuyang nagbabasa. Napapansin ko na palangiti na ito noong mga nakaraang araw. Mas okay na ang ganon kesa naman lagi siyang masungit at nakasimangot.

Lumapit ako at umupo sa gilid ng kama. "Ano.. Uhm, Migi, may sasabihin ako sayo." Tinignan ko siya mata sa mata.

"What is that?" Tanong niya sa akin.

Pumikit muna ako atsaka sinabi sa kanya nag sinabi sa akin ng doktor.

Tumingin lang siya sa kawalan at humugot ng hininga. "I don't know, Aura."

"Bakit naman? Ayaw mo ba nun? Maibabalik na sa dati yung mukha mo pag nalipat kana ng ospital at maoperahan ka? At saka ayaw mo bang makita ang tatay mo?" Kahit ako man ay naguguluhan rin sa inaasta niya.

"I don't want to." Deklara niya. Ano bang gagawin ko para makumbinsi ko ang taong ito?

"Bakit ba ayaw mo?" Pangungulit ko pa.

"Just because. Stop asking me lady." Medyo naiinis niyang sabi.

Hindi na ako sumagot. Baka mas lalong umayaw ito pag kinulit ko pa. Nag change topic na lang ako. Baka wrong timing lang. Makukumbinsi ko rin siya. Kaya mo yan Aura! Sabi ko sa sarili ko tulad dati.

"Okay, sige. Nga pala may ikukwento ako sayo." Kwinento ko kay Migi yung nakita kong libro sa 'Old Things' 'yong Beauty and the Beast.

Natawa siya sa kahit papaano sa kwinento ko. Mabuti at ngumiti na ulit siya. Mas bagay kasi sa kanya ang ngumingiti. Ang isip bata ko daw talaga. Niloloko niya ako. Naiinis ako at the same time ay natutuwa. Hindi ko alam pero parang half of me, ayaw ng umalis si Migi. The other half naman ay gusto para mapaopera na ang mukha niya at ng makabalik na siya sa dati niyang buhay.

At doon ko napagtanto, ayaw kong umalis si Migi. Iyon ang nararamdaman ko. Para ba kasing naattach na ako sa kanya. Feeling ko kasi na pag umalis na siya at naoperahan na ay makakalimutan na niya ako. Sana hindi. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Bago ito sa akin kaya kailangan kong malaman agad kung ano ito.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon