Chapter 14

193K 3K 1K
                                    

 

Naglalakad si Araya patungo sa tambayan ni Iko, doon sa mapunong lugar sa likod ng Soccer Field, tinext kasi sya nitong pumunta doon..

‘eto talagang si Iko masyadong excited sa panliligaw, samantalang pag nandyan naman na .. natotorpe na .. hay naku buti na lang nakapaghanda si Araya sa mga susunod nilang hakbang .. nagresearch kasi ang dalaga ng mga pwedeng gawin ni Iko at inilista pa nya iyon sa papel para hindi nya malimutan, hindi nyo naitatanong, girl’s Scout yata si Araya!

Pagliko nya ay nasilip nya pa si Ayesha na nasa harapan ng PE room.                                                 

“Anong ginagawa mo dyan Yesha?” tanong nya paglapit kay Yesha.

“Ikaw pala Ate Araya .. inantay ko lang si Buko , ikaw saan ang punta mo?” balik tanong nito ..

“Ay dyaan lang .. sige mauna na ako  sayo ..”

“Babye ..” paalam ng dalaga.

Sa isip ni Araya wagas talaga magmahal ang mga Aragon, solid kung solid .. tamo si Iko .. tatahi-tahimik lang pero nagpapakamatay na pala para kay Dara. Maswerteng mga nilalang .. mahal sila ng mag tinaguriang Rich Kids na may Golden Spoon sa bibig.

“Bakit ngayon ka lang?” bungad ni Iko sa kanya ng ibaba nya ang bag na dala sa tabi nito, as usual nakasandal ito sa puno.

“Like hello Iko .. it took so many oras kaya to go downstairs from the ikalawang palapag of the building .. and yeah .. it so hot ..” nagpaypay pa ang dalaga an animo init na init talaga.

“Hoy Araya .. hindi bagay sayo .. tigilan mo yan ..” saway ni Iko sa ginagawang kalokohan ni Araya.

“Pag sakin di bagay .. pero dun sa mga classmate kong sosyal ang kyot kyot?”

“Isa lang ibig sabihin nun .. hindi ka Kyot .. saka may binabagayan yun ..”

Inismiran ng dalaga ang panlalait ni Iko sa kanya.

“Bakit mo pala ako tinext?”

“Siguro dahil  may iuutos ako sayo?” sarkastikong sabi niya.

“Atat ka lang mapasagot si Dara eh .. don’t worry may checklist tayo! Tenen!” saka nilabas nito mula sa bulsa ang papel na may listahan nito.

“Ano naman yan?” diskumpyadpong tanong ni Iko.

“Listahan para mapasagot mo agad si Dara .. numbre 1 .. kantahan mo sya ..”

“Fvck. Laos na yun eh .. ang dami dami ng gumagawa ng ganong kaartehan. Wala na bang iba?”

“Hello Iko .. anong gusto mo yung kakaiba? Yung ikaw lang nakakagawa? Edi pakidnap mo sya tapos papiliin mo sasagutin ka o papatayin mo .. ayon surebol! ikaw lang makakagawa noon .. wan hundred percent sure pa na sasagutin ka ..” inis na sagot ni Dara.

“Tss..” ismid ni Iko sa kanya.

“Kanta..”

“What?”

“Sabi ko kumanta ka .. bingi ka ba ? nakakabingi ba ang pagmamahahal?”

“Aba’t .. hoy Araya dapat sa ating dalawa ako lang ang mas-“

“Kakanta ka o sasabihin ko sa lahat na torpe ka?”

Pananakot ni  Araya kay Iko kaya inis na umirap lang ito sa kanya.

“Wala akong alam na kanta ..”

“Tss .. ang arte mo .. number two nga muna tayo ..” saka tiningnan ni Araya yung listahan nya.”Number two .. mag speech ka ..”

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon