Level 31

4.9K 232 45
                                    

Hanggang ngayon ay iba pa din ang kabog ng dibdib ko, at nadagdagan 'yon ng sinimulan kong gamutin ang braso niya.

"D-Dapat bumalik tayo sa clinic, o 'di kaya ay sa ospital na, baka kailangan tahiin." Nakayuko kong saad sa kanya.

Nandito pa rin kasi kami sa sasakyan, gamit ang first aid kit na nasa sasakyan ay ginamot at nilinis ko ang sugat niya.

"I'm fine." Sabi nito habang nakatitig sa'kin ng diretso.

"You're not," Saad ko pagkatapos ay nag angat ng tingin para mag salita pa pero tila napipe ako ng muling magtama ang mata namin.

"L-Let's just go, ako na ang magmamaneho." Sabi ko nalang.

Ang akala ko ay makikipagtalo pa siya pero nagulat ako ng siya mismo ang umusod para bigyan ako ng espasyo sa driver seat.

"W-What? I-Iikot nalang ako." Hindi ko na hinintay ang sagot niya lalo na at nakita ko ang paglalaro ng ngisi sa mukha nito.

"Saan tayo?" Tanong ko dito ng hindi siya sinusulyapan.

"Where ever you want to bring me." Lalo akong nailang ng muli itong ngumisi.

Hindi ko alam kung nakasama ba sa kanya ang sugat niya kasi kanina pa siya ngisi ng ngisi, baka mamaya tinamaan din ang ulo nito.

Liliko na sana ako sa kanto ng bigla akong mapahinto ng sabay tumunog ang telepono namin.

Hindi ko alam pero malakas ang kutob ko na galing ito sa game, ngayon palang ay kinakabahan na ako sa maaaring laman ng mensahe.

You have a new task.
Click to see content.

×××

Final task for level 1:
Train to control your ability, you'll need it for your next tasks.

Goodluck!

--

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon