Special Chapter: The Beginning

735 28 1
                                    

I opened my eyes. Take a deep breathe. Calm myself. Titigan ko lang muna ang kisame ng bahay ko.

Oo. After few more days. Lumabas na ako ng hospital. Gusto ni mama na sa kanila muna ako tumuloy pero tumanggi ako. Alam kong nag aalala lang siya para sa akin pero mas lalo akong mababahala kapag sa kanila pa ako tumuloy.

Kaya ko na ang sarili ko. Alam kong kakayanin ko ito. Alam kong mahirap mabuhay sa nakaraan. Pero mas iniisip ko na lang ay ang ngayon. Kung anong meron ako ngayon.

Babangon na sana ako nang maramdaman kong gumalaw siya sa tabi ko.

I looked at her. I looked at sleeping Cecile besides me. I smiled. This girl is really mine. Tumagilid ako para mas makita ko ang mukha niyang banayad kung matulog. Nakagilid din siyang nakaharap sa akin kaya kitang kita ko ang maamo niyang mukha. I touched her face. Namiss ko siya, sobra.

Hinawi ko ang nagsibagsakang buhok na humarang sa kanyang mukha at inipit ko sa kanyang tenga.

Ngayon, pinagmamasdan ko na lang ang napakaganda at maamo niyang mukha na pinatili sa mahabang panahon.

I come closer to her. Hindi nakakasawang hawakan ang mapupula niyang pisngi sa tuwing nasisinagan ng araw. Pinadausdos ko ang mga daliri ko mula sa kanyang noo, pababa sa kanyang ilong papunta sa kanyang pisngi hanggang sa kanyang mapupulang labi.

Totoo na ito. Hindi ako nananaginip lang. Alam kong kasama ko na siya. At hindi na niya ako iiwan.

I love this girl that much na kapag namatay ulit siya sa bisig ko, sasama na ako.

I leaned closer to her. Alam kong tulog pa siya. So, I grabbed the opportunity. I kissed her, on her lips. Dampi lang sana ang gagawin ko but the time when my lips fell on her, nabura ko na sa isip ang binabalak ko. I touched her cheeks to deepen the kiss. I tasted the sweet lips of her.

I heard her groaned. Mukhang nagising ko siya sa ginagawa ko. Pero hindi ako huminto. Mas nilasap ko ang bawat sandaling kasama ko siya at hinding hindi ko na siya pakakawalan pa.

"L-Lar ---- ry?!"

She opened her mouth to call out my name but I didn't stop instead I made an entrance to her and kissed her as passionate as I can give her.

Naramdaman kong hinawakan niya ang pisngi ko saka niya nilayo ang mukha ko sa mukha niya.

I smiled when our eyes locked out.

"Inaantok pa ako." She said na nakapout pa talaga. Ang cute niya talaga kapag nagpapout siya.

"Sorry kung nagising kita." Sabay hawak ko sa pisngi niya. "Nakatulog ka ba ng maayos?"

Umiling iling siya na ikinabahala ko. Hindi siya nakatulog ng maayos sa tabi ko?!

"Bakit?!"

"Kulang yung tulog ko. Isang linggo kitang binantayan sa ospital. Hindi ako nakakatulog sa gabi tuwing nananaginip ka ng masama. Tapos hahawakan ko yung kamay mo hanggang sa umayos na yung pakiramdam mo. Hindi ako natutulog para bantayan ka lang. Nag aalala kasi ako sayo."

I smiled. That makes me thawed. Binantayan niya ako sa ospital nung mga araw na nanaginip ako na nasa Santa Cecilia ako.

Siya si Cecile. Siya ang Cecile na minahal ko isandaang taon na ang lumilipas. Hindi niya ako iniwan kagaya ng ipinangako niya. Sumama siya sa akin.

"Salamat at hindi mo ako iniwan," as I held her hand on mine.

She smiled. "Sabi ko hindi kita iiwan. Sasama ako sayo kahit saan mo gustong pumunta."

Hinawakan ko ulit yung pisngi niya para halikan siya nang pigilan niya ako sa balikat.

"Sabi ng mama mo pupunta siya dito ngayon. Baka maabutan niya tayong nasa kwarto pa."

Natawa ako. Si mama. Ayaw niya akong tigilan sa kakatanong kung bakit nahulog agad ang loob ko sa kanya kahit halos isang linggo palang nang makilala niya si Cecile at wala pa akong malay ng mga oras na yun. Mahirap magkwento kung hindi naman kapani-paniwala.

"Hayaan mo siya."

"Pero ----- ?"

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya nang ikulong ko ang mga labi niya sa labi ko. I really missed this girl. Akala ko nawala na siya ng tuluyan yun pala nasa tabi ko lang siya gabi gabi at hawak pa niya ang kamay ko para makatulog ako ng maayos.

I held her head closer to me. Naramdaman kong nagrespond na siya sa mga halik ko. I smiled in success. Akala ko ako lang ang gagawa ng move. She rolled her hands on my neck and pulled me.

Good morning. With love.

The end.

When The Last Petal Falls [COMPLETED] Where stories live. Discover now