Shoot 46 "Meet up"

64.3K 4K 1.9K
                                    

It's the D-day, ito na ang araw na matagal naming pinagplanuhan nila Sophia at Mateo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

It's the D-day, ito na ang araw na matagal naming pinagplanuhan nila Sophia at Mateo. I am sure excited ang lahat ng members ng BraveOrions dito-- the meet up.

Formal event ang magaganap mamayang gabi kung kaya't nandito alo sa kwarto at pinag-iisipan ko kung anong dress ang dapat kong isuot. Hindi na ako nag-gown, hassle lang.

"Kuya, anong sa tingin mo ang dapat kong suotin?" I asked him pagkapasok ko sa kanyang kwarto. I am holding a blue floral dress and an all black dress.

Tumigil si kuya sa pagse-cellphone at tumingin sa mga dress. "Bakit ako ang tinatanong mo niyan, wala naman akong alam sa mga ganyan-ganyan." Sabi ni kuya Peter.

"E ikaw kasi ang makakakita, kuya. As a man's point of view, saan ka nagagandahan?"

"I think the black one suits you. Maitim budhi mo e." Panunukso niya.

"Kuyaaa!"

He laughed. "I am just kidding. Pero seryoso, maganda yung black. Kahit ano naman ang isuot mo, maganda sa'yo e." Hindi ko alam kung pinupuri ako ni kuya or inaasar lang.

"So I'll go with the black one since it caught your eyes," nakangiti kong sabi nung nakapagdesisyon na ako. "Hahatid mo ba ako kuya? Nakakahiyang mag-commute wearing a dress."

"Saan ba?"

"Around Malolos, Bulacan lang. I guess one and a half hour travel 'yon mula rito." Hula ko.

"Okay." Kuya said at natuwa naman ako.

Lumabas na ako ng kwarto ni kuya at pumasok sa kwarto ko. Excited na ako para mamaya, kung pwede nga lang na maggabi na agad sa sobrang excite ko e.

Cherry calling...

Nagtaka naman ako kung bakit tumatawag si Cherry, it's sunday. Wala kaming pasok. I answered the call at bumulaga agad sa akin ang matinis at malakas na boses ni Cherry. "Ate giiirl!"

"Ang lakas ng boses mo, bakla, bakit ba?" Tanong ko.

"Hindi mo pa ba nagagawa yung documents na kailangan para sa meeting kay Mr. Rodriguez?" He asked on me. So it's work-related.

"Hindi pa. Akala ko ba next week pa kailangan iyon?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Dapat next week, pero inusog ni Mr. Rodriguez ang meeting and he want it sa Tuesday na dahil mag-ho-Hongkong daw ang lolo mo. Siyempre investors, sunod lang tayo. Kaya mo na ba magawa, Dani?" Tanong sa akin ni Cherry. Shit. Ang dami no'n pero kung tutuusin dapat sanay na akong magtrabaho under pressure since it's the corporate world.

Kahit OJT pala, mahirap din.

"Sige try ko."

"Dani, hindi pwede yung try ko. I need an exact answer, magagawa mo ba o hindi?" Tanong niya.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon