Chapter 2: She's crazy

28.1K 381 40
                                    

GIA

Napabalikwas ako nang makita ko ang oras. Hindi tumunog ang alarm ko. Hala! Male-late ako sa programming 1, major subject pa naman. Agad akong bumangon at nagtungo sa CR, naliligo na pala si Sydney.

"Chill, Gii! Malapit na rin sigurong matapos 'yon."Para akong timan na pinapakalma ang aking sarili.

Wala na akong time kumain ng breakfast. Nag-toothbrush na lang ako habang hinihintay siyang matapos.

Anak ng tokwa! 8:48 na, hindi pa rin siya matapos maligo. Ang tagal naman n'ya! Hindi na ako nakapagpigil at kinatok ko na.

"Puwede, pakibilisan?"

"Oo, heto na!"

Maya-maya ay lumabas na siya na naka-pink na bathrobe.

"Oh! Ayan, tapos na!"

Hindi na ako nakipagtalo at agad na akong naligo. Dapat pala mas mauna akong magising sa kan'ya.

Pagkatapos ng labing-limang minuto na pagligo. Labing-limang minuto na lang time na. Binilisan ko ang pagkilos.

Napatingin ako sa kan'ya na todo ayos sa sarili. Nakabihis na ako at palabas na ng pinto. Siya ayon nasa salamin pa.

Napahinto ako nang marinig ko siya. "Wait!"

Sabay na kaming nagtungo sa classroom at nang makarating kami ay nag-separate na. Ka-block namin si Stacey, tabi ulit kami. Inookray na n'ya ako.

"Girl, maganda ka lalo pa kung mag-aayos ka."

"Simplicity is beauty." Ngumiti ako.

Maya-maya ay dumating na 'yong instructor namin. Pagkatapos ng introduce yourself ay agad na siyang nag-lecture.

Pagkatapos ng klase namin ay mag isang oras pa kaming break bago ang susunod na klase namin. Niyaya ako ni Stacey na pumunta sa canteen, magbo-boy hunting daw siya. Kaloka lahat ng dumadaan na lalaki sa table namin ay nire-rate ba naman niya, from one to ten.

Natatawa ako sa kan'ya lalo na kapag nag-ge-gay lingo siya.

May papalapit sa table namin na good looking guy, ten ang score na ibinigay sa kan'ya ni Stacey.

"Girl, papalapit sa atin si Fafa Paul Allen Astilla. Sikat na dancer 'yan sa engineering."

Napatingin ako sa paligid, pinagtitinginan kami. Ganito ba kasikat 'to? Ayon kay Stacey, second year na raw siya. Maya-maya ay nasa tapat na siya ng table namin.

"Hi!"

"Hello!" Bati ni Stacey na nakipag- shakehands pa.

Nakipagkamay din siya, pero ang kan'yang mga mata ay nakatingin sa akin.

"Hi there! Freshman?"

"A-ah, oo."

"May I know your name?"

Napatingin ako kay Stacey, nakangiti siya at tumango.

"I'm Gia, Gia Gatchalian."

"Nice to meet you, I'm Paul Allen Astilla!" Sabay bitaw sa kamay ni Stacey at agad naman siyang nakioagkamay sa akin.

"Akala ko you came for me, pero parang sa kaibigan ko pala." Pabebeng wika n'ya habang inaamoy-amoy pa ang kamay.

Tumawa na lang si Paul at tinanong kung puwede siyang makiupo. Pumayag naman kami. Sumabay siya sa amin kumain at nakipagkuwentuhan. Hindi ako masyadong makakilos dahil pakiramdam ko halos lahat nakatingin sa amin.

Accidentally inlove with a party girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon