Chapter 55

5.8K 159 5
                                    

ALTAIR

Ang lalaking Red Army ang unang nagpakawala ng fireball patungo sa akin. Inilagan ko ito agad at mabilis sumugod tungo sa kaniya. Nang malapit na ako sa kaniya, agad akong nagpakawala ng bugso ng apoy. Napaatras siya. Natamaan ko siya sa kaliwang braso kaya nasunog ang sleeve ng uniform na suot niya.

Narinig ko na nagpalakpakan ang mga kadivision ko na nanonood. Narinig ko pa na sumigaw ulit si Ryoran ngunit hindi ko na pinansin pa dahil agad na sumipa ang kalaban ko.

Umatras ako agad. Ngunit mabilis ang kilos niya. Pagkatapos ng una niyang sipa, napaikot siya at ginamit naman niya ang isa pa niyang paa para muling sumipa. Kamuntikan akong mahagip at masasabi ko na ang lakas ng sipa niya. Agad niyang isinunod ang pagsuntok gamit ang kaliwang kamay niya. Nailagan ko ang kaliwang kamay niya ngunit biglang siyang gumamit ng kapangyarihan sa kanang kamay niya. Nagpakawala siya ng isang may kalakasang bugso ng apoy at natamaan ako sa may kaliwang balikat ko kaya medyo napatilapon at napaatras ako. Napaupo ako. May kalayuan pa ako sa labas ng marka. Buti na lang. Nasunog din ang kaliwang sleeve ng suot ko.

Sunod niyang ginawa ay nagpakawala siya ng malaking fireball. Agad akong tumayo para mailagan iyon at nagpakawala rin ng limang fireball patungo sa kaniya. Nailagan niya ang mga tira ko at sumugod siya patungo sa akin. Nagpakawala siya agad ng mga suntok at todo ilag naman ako. Minsan ginagamitan ko ng mga kamay ko upang masangga ang ilang suntok.

Nang makatyempo ako, hinawakan ko ang isa niyang kamay upang mapigilan siya at agad akong nagpakawala ng sipa patungo sa tagiliran niya. Napaatras siya. Sinamantala ko na rin ang pagpapakawala ng malakas na apoy mula sa palad ko para mapaatras ko pa siya.

Natamaan ko siya ngunit mabilis siyang nakabawi at sumugod tungo sa akin. Nagsunod-sunod ang mga suntok niya. Todo ilag at sangga ako hanggang sa nasuntok niya ako sa tiyan ko.

Napaupo ako bigla at ininda ko ang sakit. Narinig ko pa ang tila reaksiyon ng mga kadivision ko.

"Susugod siya ulit!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki. Kay Ryoran ang boses na iyon.

Napalingon akong muli sa kalaban ko at agad akong tumayo at umatras. Nailagan ko ang pagbagsak ng kaniyang paa sa kinalalagyan ko kanina. Aatras pa sana ako nang mapaupo akong muli dahil hindi pa ako masyadong nakakabawi sa sakit ko sa tiyan.

Mabilis siyang umikot at halos isang segundo lang ay malakas na hampas ng paa niya ang dumampi sa kanang pisngi ko. Napahiga ako sa damuhan at halos gumulong pa. Narinig ko na halos mapasigaw ang mga kadivision ko. Ako naman, napaluha sa sakit.

Shemay! Mabubugbog pa ata ako ng todo bago matapos ang 15 minutes sa unang part ng test ko.

Dahan-dahan akong umupo habang marahan kong hinahawakan ang pisngi ko.

"Aray," mahina kong daing.

Ang sakit huhu.

Napalingon ako sa kalaban ko nang mapansin ko na hindi na siya sumugod ulit. Nakatayo lang siya habang seryosong nakatingin sakin.

Luh. Bakit siya nakatayo lang diyan? Bubuga ba siya bigla ng apoy?

"Kaya mo pa ba, Altair?" Rinig kong tanong ni Ma'am Aurora.

Lumingon ako sa kaniya at tumango.

"Ipapaalala ko lang na huwag mong pilitin kong hindi mo na kaya," nag-aalala niyang sabi.

"Kaya ko pa po," sagot ko.

Tumango siya. "Sige. Ituloy ang laban!"

Napalingon ako sa kalaban ko. Nakatayo pa rin siya at hindi umiimik. Siguro ay binibigyan niya ako ng oras.

Seryoso rin akong nakatingin sa kaniya habang  dahan-dahang tumatayo. At pabigla akong nagpakawala ng malakas na bugso ng apoy mula sa mga palad ko tungo sa kaniya. Mabilis ang naging reaksyon niya at ganun din ang ginawa niya kaya nagkakabangga ang kapangyarihan namin.

Aish. Kaasar.

Nagtuloy-tuloy lang ang pagpapakawala namin ng malakas na apoy. Ngunit tila mas lumalakas ang ang bugso ng apoy na pinapalabas niya hanggang sa napapaatras na ako ng paunti-unti.

In-try kong pantayan ang lakas ng kapagyarihan niya ngunit nahihirapan ako. Hanggang sa bigla niyang mas pinalakas pa at hindi na ako nakadepensa pa. Tumilapon ako.

Nang mapatingin ako sa kung saan ako napaupo, nakita ko ang marka ng bilog.

'Shemay! Mapapalabas na niya ako sa bilog!' sigaw ko sa isip ko.

Narinig ko ang sigawan ng mga kadivision ko kaya agad din akong lumingon sa kalaban ko. Sumusugod na siya patungo sa akin.

Agad akong gumulong nang sumipa siya ulit.

"Shemay, shemay, shemay," halos paulit-ulit kong sabi nang nasa mukha ko na halos ang marka at kamuntikan pang mapunta sa labas ang kamay ko.

"Altair!" Sigaw ng isa sa mga kadivision ko at hindi ko na alam kung sino iyon.

Basta agad akong lumingon sa kalaban ko na nasa tabi ko lang nakatayo. Isa pang sipa ang ginawa niya. Ngunit sa pagakakataong ito, agad kong sinalo ang binti niya. Dahil dun, ginamit niya ang pagkakataon na i-try akong itulak gamit ang paa palabas sa marka.

Hindi ko binitawan ang paa niya at nag-try naman ako na gumulong kaya natumba siya.

"Sayang! Kamuntikan na!"

"Go, Altair!"

"Kaya mo yan, Altair!"

Naririnig ko ang mga kadivision ko. Kamuntikan na ngang mapalabas ang kalaban ko nang matumba siya.

Bigla siyang sumipa kaya agad ko siyang binitawan. Ginamit ko rin ang oras na bumabangon siya para tumakbo patungo sa gitna ng markang bilog. Sa ganitong paraan, mas malayo ako sa labas. Hindi ako pwedeng mapalabas dito.

Nang tingnan kong muli ang kalaban ko, nakatayo na siya at patungo na siya sa akin. Agad akong nagpakawala ng may kalakihang fireball. Nagpakawala rin siya ng fireball na tumama sa tira ko. Lumikha ito ng pagsabog.

"Woo! Altair! Go! Go! Go!" Rinig kong cheer ni Ryoran.

Sumugod ang kalaban ko tungo sa akin. Naging alerto ako hanggang sa makalapit siya sa akin at nagpakawala siya ng sunod-sunod na suntok at sipa.

Sinangga at inalagan ko lahat ng iyon. Nang maka-tyempo ako, nagpakawala naman ako ng malakas na sipa sa may tagiliran niya. Dahilan para mahinto siya sa kaniyang pagpapakawala ng mga suntok.

Wala na akong sinayang na oras. Mabilis kong inabot ang dibdib niya at nagpakawala ng malakas na enerhiya ng apoy. Tumilapon siya palapit sa marka.

"Wohooo! Altair! Altair! Altair!" Cheer ng mga kadivision ko.

Nakita kong napahawak sa kaniyang dibdib ang kalaban ko ngunit hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Nagpakawala ulit ako ng malakas na apoy mula sa mga palad ko tungo sa kaniya upang tuluyan na siyang mapalabas sa bilog. Ngunit nagawa pa rin niyang makontra ang tira ko nang magpakawala rin siya ng malakas na apoy.

"Argh." Nagpatuloy lang na nagkakabanggan ang kapangyarihan namin. Mas ibinuhos ko pa ang lakas ko para maitulak ko siya.

'Labas, labas! Lumabas ka sa markang to,' paulit-ulit kong sabi sa isip ko.

Bigla kong narinig ang tunog ng isang pito. Ngunit patuloy lang kami.

"Ihinto na ang laban!" Rinig kong sigaw ni Ma'am Aurora.

******

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon