Chapter 4

241K 13.3K 6.3K
                                    

Naalala ko noong grade six ako, tinanong kami ng adviser namin. Even though her subject was not about the words of God, she was still making her way to share it with us. Every Friday, before the class ends, imbis na puro lessons ang ituro niya ay tungkol naman sa mga salita ng Diyos. Inspirational words. Encouragement words.

My teacher would ask, in our young age and young minds, what was love? It seemed a random and cliché question.

Ngunit bukas na ang isip ko tungkol sa mga bagay na iyon. Alam ko ang pagkakaiba ng pagmamahal sa paghanga. But I didn't answer. Nagtaas ng kamay ang isa sa mga kaklase ko.

"Ma'am, ang pagmamahal po ay pagsasakripisyo."

And that was what God did. He sacrificed Himself for the people who did nothing but commit sins. He sacrificed Himself because of his love for people. Sabi ko sa sarili ko, gano'n pala katibay at katatag ang pag-ibig Niya? Na kahit makasalanan ka ay hindi siya mapapagod patawarin ka, kasi nga mahal ka Niya?

Because of love you can do everything. Mahirap man o madali. Masaya man o masalimuot, kailangan mo pa 'ring magsakripisyo para sa magandang wakas na hinahangad mo.

Katulad ng ginawa ko. Nilakasan ko ang loob ko na harapin si Neo. Sinampal ko siya sa harap ng kaibigan niya at sa harap ng maraming tao tulad ng nais ni Nazareth. He wanted me to let Neo hate me to death. That's what he said. Gusto niyang kasuklaman ako ni Neo sa umpisa para mahalin niya rin ako sa huli.

Nilakasan ko ang loob ko na harapin si Neo. Sinampal ko siya sa harap ng kaibigan niya at sa harap ng maraming tao tulad ng nais ni Nazareth. He wanted me to let Neo hate me to death. That's what he said. Gusto niyang kasuklaman ako ni Neo sa umpisa para mahalin niya rin ako sa huli.

Tinanong ko ang sarili ko. Worth it ba itong ginawa ko? Mamahalin niya rin ba ako tulad ng pagmamahal ko sa kaniya? Makikita niya na ba ang presensya ko? Kulang na lang tuldukan ko ang noo niya gamit ang hintuturo at sabihing, "Hoy! My name is Hellary Angeles at lingid sa kaalaman mo, I exist!"

Warak na nga ang puso ko dahil hindi niya ako pinapansin, tapos mas dinurog niya pa. Wala na bang mas sasakit pa? Kung meron, paki-inform ako para ihanda ko ang puso ko.

Because I think it wasn't loved if it didn't break my heart.

Ilang araw na akong hindi pumapasok. Ilang araw na akong nagmumukmok sa kwarto ko. Hindi naman ako kinakatok ni mommy dahil nga wala rin siyang pakealam sa 'kin. I wasn't expecting anything from her anymore. Nagsimula iyon nang makilala niya si Tito—ang step-father ko. Mabuti na nga lang at dinadalhan ako ng pagkain ni Manang Rosalinda.

Tamad akong bumangon. Sa likod ng makapal na kurtina na tumatakip sa bintana ay pilit pumapasok ang liwanag. Kahit umaga na madilim pa rin ang kwarto ko. Dumiretso ako sa body mirror. Napapikit ako. I looked like a mess! Kaya naman nagdesisyon na akong maligo. Papasok ako ngayon. Walang mangyayari kung patuloy akong magmumukmok sa kwartong 'to.

Pagkatapos ko maligo ay nagsuot ako ng uniform. I put my hair into messy bun. Naglagay ako ng tint para magkakulay naman ang maputla kong mukha.

Pagkatapak ko palang ng paa sa classroom ay agad umalingawngaw ang boses ni Hera. Nagtitili siya nang makita niya ako. I smiled. Naagaw tuloy ang atensyon ng mga kaklase ko at lumapit din sa 'kin para tanungin kung bakit ang tagal kong lumiban.

"Ilang araw kang absent ah. Anong nangyare, girl?" tanong ng class president namin.

"Nagkasakit lang." I smiled awkwardly.

"Sino ba naman ang hindi magkakasakit matapos mo sampalin si Neo?" A model-like girl walked in front of me. Nahawi ang mga kaklase ko nang naglakad siya sa harap ko.

Natahimik ang buong klase. I felt Hera pinching my wrist. I looked at her and back to the girl who just entered the scene. Suzzaine was her name. She was one of the most popular girls here in Elron High. With her angelic face and model-like body, boys would flock to her in an instant. At alam ng buong campus na may gusto siya kay Neo.

Naglakad siya palapit sa 'kin. Nakataas ang kilay. "Bitch, I'll ask you," panimula niya. "Why did you slap my prince?"

Prince? Oh my god. Don't make me laugh!

"It doesn't concern you, Suzzaine," tugon ko.

Kita kong nagngitngit ang ngipin niya sa galit. "Why did you slap him?!" Bigla niya akong kinwelyuhan. "Answer me, or I'll make your whole school year miserable!"

Pabalang kong inalis ang kamay niya sa collar ng uniform ko. Tinitigan ko siya sa mata at hindi nagsalita. She laughed sarcastically because of that.

"So feisty," she snorted.

Mabilis na dumapo ang palad niya sa mukha ko. "That's for hurting my prince." Then she slapped me once more. "That's for not answering my question."

Napapikit ako nang muling mag-landing ang palad niya sa mukha ko. May takas ng luha ang tumulo sa mata ko. It damn hurts. Pero wala akong magawa dahil ginusto ko ito. Wala akong magawa dahil ako si Hellary. Yung babaeng pilit na nagmamatapang pero wala namang maibubuga. Yung babaeng pilit pinapakita na malakas siya pero mahina naman pala.

"Papansin kang babae ka. 'Wag kang umasa na mapapansin ka ni Neo!" Napayuko ako. Pilit na pinipigilang tumulo ang luha. "Look at yourself. You look disgusting!"

Tumakbo ako paalis ng classroom. Sobrang bigat nang pakiramdam ko. Pangit ba talaga ako? Hindi ba talaga ako maganda? Siguro alam ko na ang sagot. Kasi kung maganda talaga ako, hindi ako magkakandarapa para lang mapansin ni Neo.

"Hellary!" Narinig ko pa ang boses ni Hera ngunit hindi ako lumingon.

Diretso lang ako sa pagtakbo. Mabilis akong umakyat papunta sa rooftop. Naroon ang taong dapat sisihin sa lahat ng ito. Tunay siyang malas! Naiiyak ako sa galit.

Nang buksan ko ang pintuan ng rooftop ay napatalon si Nazareth sa gulat. Kung nasa mood ako ngayon ay paniguradong pagtatawanan ko siya pero hindi. Mabilis kong nilandas ang pagitan sa aming dalawa.

"Kasalanan mo 'to!" Ang kaninang luha na pinigilan ko ay nagsimula nang tumulo ngayon. "Kung hindi dahil diyan sa walang kwenta mong plano hindi ako magaganito!"

He just looked at me.

"Damn you, Nazareth! Mas pinahirapan mo pa ako!" I sobbed. "You're a curse!"

I looked at him with total anger— Hindi ko mapigilan. Umaapaw ang galit sa akin. I pointed at his face. I showed him how disgusted I was.

"Pinaglaruan mo ako," I said. "You are a big curse. 'Wag na 'wag ka nang magpapakita sa 'kin."

Nanatili siyang nakatitig sa 'kin. Then slowly, the side of his lips rose.

"You done?" he said playfully. Bakas ang tuwa sa mukha niya. "I'm a curse." He chuckled like what I said was a big joke. "A big curse."

Kinurot niya ang pisngi ko at ngumiti na tila tuwang tuwa siya sa galit ko. "Ang cute mo pala magalit, Hellary."

Sinamaan ko siya nang tingin. "Mukha ba akong nakikipagbiruan sa 'yo, huh?"

"Suplada mo, miss." He chuckled once again.

Nanlaki ang mata ko nang hapitin niya ako.

"Lady, my shoulder is free to lean on," he grinned. My eyes widened when he circled his arms around me. "Cry more until your heart doesn't hurt anymore."

Nang sabihin niya 'yon ay muli na namang sunod-sunod na tumulo ang luha ko. He patted my back. "He doesn't deserve you, Hellary. You deserve someone better than him. You deserve someone who will love you the way you love him."

Napapikit ako.

Parang sumaksak sa dibdib ko ang sinabi niya. "You don't deserve that guy. You deserve someone like me." Nagtaasan ang balahibo ko sa katawan dahil sa sunod niyang sinabi.

"No other than but a man like me."

Under His HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon