Chapter 56

5.6K 151 10
                                    

ALTAIR

"Ihinto na ang laban!" Rinig kong sigaw ni Ma'am Aurora.

Agad naman kaming nahinto ng kalaban ko at halos sabay na napalingon kay ma'am.

Lumapit si ma'am sa kalaban ko.

"Nakaapak ka na sa labas ng marka," aniya sa kalaban kong Red Army.

Nang tingnan ko ang paa niya, nakaapak na sa labas ng marka ang kaliwang paa niya habang nasa mismong marka nakaapak ang kanang paa niya.

Humarap sa apat na guro na judges namin si Ma'am Aurora. "Sa loob ng walong minuto, si Altair ang nanalo sa labang ito."

"Yehey!" Natuwa ang mga kadivision ko.

Humarap sa amin si ma'am. "May limang minuto kayo upang makapagpahinga ng kaunti at magamot ng mga taga-Medication Army na narito."

Tumango kaming pareho ng kalaban ko.

Nakita ko ang dibdib niya. Sunog na ang uniform niya at nagkaroon siya ng sugat.

Hahakbang na sana ako para makalapit sa kaniya nang biglang may humarang na babaeng Medication Army sa harapan ko.

"Halika na. Kailangan ka na naming gamutin," nakangiti niyang sabi.

"Uhm... P-Pwede ko bang kausapin muna yung nakalaban ko?" Tanong ko sa kaniya.

Liningon niya ang Red Army na kalaban ko na ngayon ay nilapitan na rin ng dalawang taga-Medication Army. At saka hinarap niya akong muli.

"Kung nagalala ka man sa natamo niyang sugat sa dibdib, huwag kang mag-alala. Magagamot naman iyan ng mga kasama ko. Sa ngayon, gagamutin ka na namin. Huwag mong sayangin ang limang minuto na ibinigay sa inyo. Kailangan mong makabawi agad ng lakas. Okay?"

Napatango ako. Saka inalalayan niya ako palabas ng marka at pinaupo sa damuhan. May isa pang taga-Medication Army ang lumapit sa akin at ginamot din ako.

Habang ginagamot kami, nag-anunsiyo naman si Ma'am Aurora sa lahat na wala munang lalapit na manonood sa kahit na sinong sumasalang sa pagsusulit lalo na sa 5 minutes break. Para raw makapagpahinga at makabawi ng maayos kami.

Napatingin ako sa mga braso ko. May mga pasa akong natamo dahil sa mga suntok ng kalaban ko.

Ipinikit ko na lang muna ang mga mata ko para makapagpahinga ako ng kunti. Ang tahimik lang ng mga nanggagamot sa akin.

Kamuntikan na akong mapalabas kanina. Paano na lang sa susunod kong laban? Paano kung tuluyan akong mapalabas mamaya?

"Relax ka lang muna. Huwag ka lang muna mag-isip ng kung ano-ano lalo na ng mga negatives," biglang saad ng isa sa mga naggagamot sa akin.

Iminulat ko mga mata ko at nilingon ang nagsalitang Medication Army na kasalukuyang ginagamot ang mga braso ko.

"Mas makakabuti kung magre-relax ka muna. Makakadiscourage at makaka-distract lang iyang mga iniisip mo," aniya habang patuloy lang siya sa ginagawa niya.

Parang nababasa niya isip ko ah.

Tumango na lang ako at saka ipinikit kong muli ang mga mata ko. Wala muna akong inisip na kung ano-ano.

Makalipas ang ilang sandali, narinig ko ang tunog ng pito. Agad akong napamulat ng aking mga mata.

"Tapos na ang limang minutong pahinga. Nais kong bumalik na ang dalawang maglalaban sa loob ng marka," ani ma'am.

Tumayo na ako.

"Kaya mo yan," pahabol na sabi sa akin ng babaeng Medication Army.

Ngumiti ako at tumango. Saka na ako dumeritso sa loob ng marka. Pumasok na rin sa loob ng marka ang kalaban ko. Naghilom na ang sugat niya sa dibdib. Dala na niya ang sandata niya.

Hala. Yung sandata ko nga pala.

"Heto ang sandata mo, Altair," bungad sa akin ni ma'am nang babalik sana ako para kunin ang gamit ko.

"T-Thank you, ma'am." Kinuha ko ang katana ko at saka siya lumabas ng marka.

"Ito ang pangalawang parte ng pagsusulit ng bawat isa. Labanan pa rin ngunit may gamit nang mga sandata," ani ma'am.

Napatingin ako ulit sa sandata ng kalaban ko. Double edged sword at may laki ito na halos tatlong beses mula sa regular na laki.

Napatingin ako sa katana ko. Shemay. Mukhang dehado ako rito.

"Nasabi ko na kanina ang rules. Your 15 minutes starts now!" At isinabay rin ni ma'am ang paghampas niya sa latigo bilang hudyat.

Naging alerto ako agad. Maski ang kalaban ko ay naging alerto.

Bigla namang tumahimik ang paligid. Tila naghihintay ang lahat sa kung sino ang unang aatake sa amin.

Naka-usli na ng kaunti ang blade ng katana ko mula sa takip nito. Handa ko nang ilabas ang kabuuan ng blade sa kahit na anong oras.

'Dapat ay mas focus ako na mapalabas siya sa markang ito,' sabi ko sa isip ko habang deritso ang mga tingin ko sa kalaban ko.

*****

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon