Sa tuwing umuulan
Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman
Sa bawat pagpatak at pagtulo
Ang mundo ko'y sabay na nabubuo at gumuguho
Hawak-hawak mo ang aking mga kamay
Habang tayo'y sabay na naglalakbay
Bawat pagtatama ng ating mga mata
Parehas tayong nahuhulog sa isat isa
Ngaunit sabi ng ibang tao
Hindi daw tayo hanggang dulo
Dahil ang dulo natin ay magkaiba
Sapagkat iba ang iyong kasama
Kaya sa tuwing kumukulimlim
Ang aking paningin ay dumidilim
Pero di mapigilan ang nararamdaman
Habang pinagmamasdan ang buhis ng ulan
Sa bawat pagpatak ng ulan
Naaalala ko na di tayo nagkatuluyan
At sa pagdaloy nito kasabay ang luha
Bumabalik lahat mula simula
BINABASA MO ANG
Tula Para Kay "Nasasaktan"
PoetryMga tula para sa nasaktan, nasasaktan at masasaktan. Nagmahal, nagmamahal at magmamahal. Nakapanakit, nananakit at mananakit pa lamang. Umasa, umaasa at aasa pa lang. Lahat na ng may 'connect' sa pag-ibig, pagmamahal at love etc. ***************** N...