Shoot 47 "Fate vs. Him"

60K 4K 792
                                    

Isinara ko ang pinto ng kotse pagkababa ko. Alas-tres na nang madaling araw pero ngayon lang ako nakauwi. Ibinaba ni Sophia ang bintana. "Dani, always remember, kung kailangan mo ng kasama. You can always call me," sabi niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya. "Thank you." I replied.

Umalis na si Sophia dahil ihahatid pa raw niya si Jane sa hotel na pinag-i-stay-an nito. Medyo gumaan ang pakiramdam ko nung samahan ako nina Sophia but still, there's a fact na naloko't nagago ako.

I am not being OA, it's not easy to build a trust with someone. Then in a snap, parang nagiba ang pagtitiwala kong iyon. I am fooled by Darkshadow, I am fooled by Raydin. Damn, two strikes.

Back in my first year college days, may mga kaibigan akong babae and I really trusted them pero nalaman ko na lang na kapag wala ako... Ako ang pinag-uusapan nila and they are saying nasty things about me.

Ipinagkalat din nila na hindi na ako virgin which took a couple of months bago mamatay ang issue. Kaya in the end, bumitaw ako sa pagkakaibigang iyon. Iyon ang dahilan kung bakit sa dami ng kaklase ko ay si Jace lang ang pinagkakatiwalaan ko.

In Raydin's case, ang tagal naming magkasama and all the time... Alam niyang ako si Majesty. Gaano ba kahirap umamin? I even gave him a warning na hindi ako nagtitiwala sa mga taong sinungaling.

Alas tres na nang madaling araw pero hindi ako. I opened my laptop and the first thing I do, open my skype and nakita kong online si Jace so I called him. Hindi naman siguro makakaistorbo dahil 2 pm pa lang ngayon sa New York.

Lumabas sa screen ang mukha ni Jace. "Na-miss mo ba 'ko?" Nawala ang ngiti sa mukha ni Jace. "Bakit parang ang lungkot mo? May nangyari ba diyan?"

"Jace..." tear filled with my eyes. "Naloko na naman ako, Jace." Humagulgol na ako ng iyak. Si Jace talaga ang pinakatinatakbuhan ko kapag namomroblema ako pero unluckily, wala siya ngayon dito sa Pilipinas.

"Kwento. Spill it, I will listen to it. Do you want me na umuwi muna diyan?" Sabi niya.

"No. Sayang pamasahe, I just wanted to see you 'coz I think you're one of the few people who could understand me." Sabi ko.

Nagsimula akong ikuwento kay Jace ang lahat. Sinabi ko sa kanya about sa paglalaro ko ng SWO, kay Darkshadow, kay Mateo, tungkol din kay Raydin.

"He's an asshole. Siguro ay iniisip niya ngayon na ang babaw ng dahilan mo, Dani. Hindi niya kasi alam ang kwento about your trust issues. Paano 'yan, you're on the same company with him? Imposibleng hindi magkrus ang landas ninyong dalawa." Mabuti na lang at naintindihan ako ni Jace.

"Papasok pa rin ako. Isang buwan na lang naman bago ko matapos 'to kaya hindi na ako a-absent." Sabi ko sa kanya.

"Okay, but once na nakabalik na ako diyan sa Pinas. Susuntukin ko 'yon. Ako lang ang pwedeng kumawawa sa bestfriend ko," bahagya akong natawa sa sinabi ni Jace.

Pagkatapos namin mag-usap ni Jace ay gumayak na ako para makapasok sa trabaho. Sobrang bangag ko dahil kahapon pa ako walang tulog pero papasok pa rin ako.

***

Pagkapasok ko sa office ay nakita ko agad ang pagka-busy ng lahat. May hinahabol ba kaming deadlines ngayon?

"Daniii! Mabuti naman at nandito ka na, so where's the flashdrive?" Nakangiting sabi sa akin ni Cherry.

"Flashdrive?" Tanong ko.

"Oo 'te! Yung pinagawa ko sa'yo kahapon. Nasaan na?" Tanong niya sa akin.

Nailagay ko ba sa bag ko? Binuksan ko ang bag ko and hinanap ang Flashdrive, lahat yata ng pocket ng bag ko ay nabuksan ko na kaso ay wala. "Naiwan ko sa bahay."

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon