♛ Chapter 5: Light and Dark Shadow Royalties' Daughter

135K 3.4K 495
                                    

"18 Years ago, there was a war between the light and dark shadow immortals. Alam niyo ba kung anong punot dulo ng napakalaking gulo na iyon?" Salaysay ng teacher namin habang may hawak na makapal at malaking libro. Kahit airconditioned dito, pinagpapawisan parin siya dahil nahihirapan siya sa dala niyang libro.

Nasira kasi ang front table niya kanina dahil nag away ang mga classmate kong may kakayahang lumaki ang kamao at yong classmate ko na may kakayahang lumaki ang paa.

Hindi ko alam kung anong pinag-awayan nila basta, ang naabotan ko nalang ay sirang-sira na ang front table kaya kinuha na muna ito para ayosin.

Isa pa, nai-delete raw niya ang soft copy ng book niya. Kaya heto, tiis si teacher sa makapal na book.

Immortal History pala ang subject namin ngayon. Medyo nagka interest ako sa subject nato kasi isa sa lesson namin ngayong araw ay tungkol sa previous war ng dalawang immortals. I happened to like 'War' thingy you know.

"Sir, dahil sa kapangyarihan?"--Sagot ng classmate kong nakaupo sa harapan ko.

"No."--teacher.

"Dahil po sa pag-iibigan ng prinsesa ng mga Dark shadow immortals from Hashierene royal family at prinsipe ng mga Light shadow immortals from Sentibiene royal family. Duh? Since kindergarten pa natin 'to pinag-aralan."-- Sagot naman ng isa ko pang classmate na nasa front.

"Excuse me? Alam mo naman na ang kapangyarihan ko ay ang magbigay ng knowledge sa ibang nilalang without my knowledge? Baka knowledge ko tungkol dito, naibigay ko na kaya hindi ko na matandaan! Sorry ha!?"--Sarcastic na sagot ng classmate kong unang sumagot sa katanongan ni teacher.

"Sus. Useless power."--Sabi ng classmate kong pangalawang sumagot kay teacher. Umirap pa siya.

Bago mauwi sa gulo, pumagitna si teacher.

" Sige na? Tama na ha? Huwag muna tayong mag-away kasi ang bigat-bigat ng dala kong libro baka itapon ko'to sa inyo. Gusto niyo?"--teacher. Tapos natahimik na yong dalawa.

Nag-iisip ako ngayon ng pwede kong isagot kung sakali tawagin ako ni teacher. Hmmm. Prinsesa at Prinsipe na nagmamahalan? Mukhang tutol ang mga kaharian nila dahil magkaiba ang uri ng immortal na pinanggalingan nila.

"Anyway, Miss Kuray, was right. Ganito kasi class, Forbidden love kasi ang namamagitan sa dalawang royalties na nagngangalang Prince Ericko at Princess Carina."--Teacher.

Agad akong naubo sa narinig ko. Parang nagka instant plemas ako.

Like seriously? Tama ba 'yong narinig kong pangalan?

Pangalan yon ng mga magulang ko!

Wahh! Parents ko nga! Kasi diba? Si dad, isang LS so Light Shadow? At si Mom, isang DS, Dark Shadow?

" Two of them were in separate kingdoms and from different immortal kinds. But then, they still met and fell in love. Ipinagbabawal ang pagmamahalang yon dahil pinaniniwalaang maghahatid ito ng malaking kamalasan sa dalawang kaharian."--teacher.

Ay. Grabe. Ang harsh naman ng history para sa tandem ng parents ko. Kaya itinaas ko ang kanang kamay ko. Out of curiosity, I asked this,

"B-bakit naman po sir? Bakit magdudulot ng kamalasan sa kanilang kaharian ang kanilang pagmamahalan?"

Siguro, pag narinig ko na ang sagot ni teacher ngayon, baka maiintindihan ko na kung bakit tinatago ni Ms. Analisa ang totoo kong pagkatao.

"May isang propesiya na nadiskubre ng isang time traveler. Isinaad sa propesiya na'to na ang magiging anak ng dalawang magkaibang immortals ay isang makapangyarihang immortal na kayang sirain ang dalawang kaharian at ang buhay nating mga immortals. Makapangyarihan siya at walang sino mang makakatalo sa kanya."--Teacher.

The Immortal Royalties | Tafiana  [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon