Five

291K 6.2K 1.2K
                                    

AVREIN

"ATE na kinakain ni Kuya 'yong face, baba na po tayo doon sa kitchen. Let's eat," aya sa akin niyong batang babae na kapapasok lamang muli rito sa kuwarto ni Vience.

Buhat nang pumasok siya sa banyo ay hindi pa rin siya lumalabas. Hindi ko alam kung bakit, o . . . baka nahihiya sa nasaksihan ng batang babae.

"Hello. What's your name?" nakangiti kong sagot na hindi ko man lang inalintana ang sinabi niya.

Naupo ito sa tabi ko saka ako niyakap sa bewang na bahagyang ikinapiksi ko. "I'm Vienna Keyla Alisser­–Montealegre, and you po? What's your name?" malambing na tugon nito.

"I'm Avrein Laiclei Freezell, you can call me Avrein."

"Ang ganda naman po ng name n'yo."

"Maganda rin naman ang name mo. Ilang taon ka na?"

"Ten po."

"I see," anas ko saka hinaplos ang mga braso niya na nakapalupot sa akin.

"Alam n'yo po, bagay na bagay po sa inyo iyong surname n'yo po," mula sa kung saan na wika nito.

"Bakit naman?"

"Kasi po 'yong eyes n'yo, parang freeze lang sa isang emotion and I can't figure out what kind of emotion po," anito na bahagya kong ikinagulat. For a ten-year-old girl, she's a good obsevant.

"Why did you say so?"

"You portray one kind of emotion, Ate Avrein, but it seems that . . . that emotion consists of many more emotions deep within it. Na-gets n'yo po ba ako?"

Ginulo ko an buhok niya na lalong ikinahigpit ng pagkakayakap niya sa akin. "Na-gets naman kita and I salute you kasi ang galing-galing mong magbasa ng mga mata ng mga tao."

"That's why I'm going to take BS Psychology when I reach college po," anito nang nakangiti saka kumalas ng yakap sa akin.

Tumayo ito sa harap ko at hinawakan ang kamay ko para yakagin akong tumayo. "Come on, Ate Avrein, let's go downstairs." wika nito.

"Sandali si Kuya mo—"

"How sweet of my secretary," anang tinig at sabay kamin napalingon ni Vienna roon.

"Sir—"

"So you were thinking that I haven't had my breakfast," nakangising wika nito habang palapit na naglakad papunta sa amin.

Nakatapis lang siya ng tuwalya at may bata kaming kasama. Pambihira talaga!

"Vienna?" pukaw ko sa atensyon n'ong bata at hindi ko pinansin ang sinabi ni Vience.

"Po?"

"Labas na muna tayo, ha? Magbibihis si Kuya mo," nakangiti kong turan dito na ikinatango at ngiti naman nito pabalik sa akin.

"Avrein!" habol ng boss ko nang papalabas na kami ng pinto.

"Po, Sir?"

"Sinong nagsabing lumabas ka? I am your boss and you are supposed to obey my commands," anito at napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Vienna, bumaba ka na," baling na utos nito sa kapatid sa seryosong tono.

Agad na sumunod si Vienna at ako naman ang binalingan niya. Hinatak niya ako papalapit sa kaniya na kulang na lamang ay ikasubsob ko sa dibdib niya.

"Sir—"

"Don't you dare do something against my will, Babe. I'm your boss . . . your only boss," bulong nito sa punong tainga ko na nagbigay ng kilabot sa buo kong pagkatao.

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon