C33: The Sinners

165K 3.6K 872
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

---

Denise's POV

Tahimik akong umupo habang pinapanood ang mga kaklase kong ginagawa ang mga gusto nilang gawin. Mas mabuti na sigurong hindi ako napapansin, mas mabuting hindi ako nakakakuha ng kahit anong atensyon. Binuksan ko ang libro ko sa unang subject. Bigla kong naalala na wala na nga pala si Teacher Paolo.

Hanggang ngayon wala pa rin akong alam kung sino at bakit siya pinatay.

"Ang tahimik mo naman." Wika sa akin ni Ash habang umuupo siya sa lamesa ko.

"Good Morning." Ngiting ngiti niyang sinabi sa akin.

"Good Morning," tugon ko naman.

"Alam mo ba nung---" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil sa nagsalita si Nichole sa harap. Kita ko ang pagkainis sa mukha ni Ash.

"Ash, balik ka na sa upuan mo. Magche-check lang ako ng attendance." Sabi ni Nichole.

"Pwede namang mag-check ng attendance kahit wala sa upuan di'ba?"

"Sumusunod lang ako sa utos. Hangga't wala pa tayong teacher, attendance na lang daw ang grades natin. Tutal hindi naman daw importante ang section C sa school na to." Napasimangot si Nichole sa sinabi niya kasabay rin ng pagsigaw ng buong klase dahil sa inis.

Tama nga naman, para sa school hindi importante ang section C.Section A at B lang naman ang inaalagaan nila.

"Sige bumalik ka na, Ash." Tinuro ni Nichole ang upuan ni Ash.

Tumingin muna sa akin si Ash at ngumiti.

"Babalik ulit ako," mahina niyang sinabi at tsaka pumunta sa tama niyang upuan.

Natapos rin ang pag-aattendance at tsaka lumabas si Nichole para ibigay ang log book sa teacher. Nang biglang may kumatok na teacher, si Teacher Buendia.

"Excuse lang kay Ash Flores. May practice ang basketball team."

Tumayo naman si Ash at bago umalis ay kumaway sa akin at kumindat na para bang bata. Napangiti na lang ako. Pakiramdam ko'y espesyal ako kahit mga simpleng bagay lamang ang ginagawa niya para sa akin. Ewan ko ba, pero sa araw araw na nakikita ko siya, mas lalo akong nahuhulog.

Bumalik muli ang buong klase sa kanya kanya nilang ginagawa.

Patago kong inilabas ang singsing na nakuha ko sa locker dati. Akira ... isa ba siya sa mga murderers? Ang hirap. Marami akong hawak na ebidensya ngunit hindi sapat ang mga yon para masabi ko kung sino sila. Ang kailangan ko talaga ay mahuli sila sa akto.

Muntik na kong mapasigaw sa gulat nang nakita ko si Andy sa harapan ko kasabay ng pagpatong niya sa mga kamay niya sa lamesa ko. Agad kong binulsa ang singsing na hawak ko.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon