Chapter 37. [Me. You]

89.4K 1.6K 183
                                    

Short update. Don't worry next chapter will be the, let's say... start of the REAL flow of the story. =)) TEAM BLAYCEE OR CHRISCEE? =)

-------------------

BLAKE'S POV

CUENCA RESIDENCES

"Young master, akin na ho yung luggage niyo." sabi ni Kaycee habang di nakatingin sakin. Nandito kami sa garage. Kakadating lang namin.

"Ako na bahala." sabi ko sabay kuha sa luggage ko. "Mauna ka ng pumasok."

"Ah, sige."

Tinignan ko siya habang papasok ng bahay namin. Takte, bakit ba ganun?

Iniiwasan na naman niya ako?

Nagulat talaga ako ng nalaman kong... gusto niya ko.

Naguguilty. Kasi alam kong mukhang nagustuhan niya lang ako dahil sa plano ko.

Natutuwa. Kasi gusto niya.

Naiinis. Kasi kahit gusto kong isipin na gusto niya ako, di talaga. Kasi alam kong...

Nahulog lang siya sa plano ko.

Tangna ka talaga Blake. Kahit kelan ang gago mo.

Napaupo na lang ako sa sofa. Nakatingin ng palihim kay Kaycee habang inaayos niya yung gamit ko at gamit niya. Takte naman. Buti na lang hindi niya narinig.

Di ko naman siya makausap pa. Kasi, ewan. Yung pakiramdam na nahihiya na ewan! Di naman ako ganito eh! Tapos parang nauurong yung dila ko. Shit.

Tumayo na ko at lumapit sa kanya. Bahala na kung magalit siya. Bahala na.

"Kaycee." sabi ko habang nakatalikod siya.

Humarap siya sakin habang nakakunot ang noo.

"Bakit young master?"

The Young Master's Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon