Chapter 58

5.7K 186 12
                                    

ALTAIR

Nang matumba ako, agad akong napaupo at hinanda ang kaliwang kamay ko na nag-aapoy na ulit para sa depensa ngunit bigla kong narinig ang pagpito ni Ma'am Aurora.

Nahinto ako at napalingon kay ma'am. Palapit na siya sa amin at huminto.

"Sa loob ng walong minuto, nanalo si Altair," anunsyo ni Ma'am Aurora.

Nagpalakpakan ang mga kadivision ko.

Agad akong napalingon sa kalaban ko. Nakahiga siya sa damuhan. Mula sa may dibdib niya patungo sa ulo, nakalabas na sa marka. Habang ang halos kalahati ng katawan niya ay nasa loob pa ng marka.

Napatingin ako sa kinalalagyan ko. Halos katabi ko na ang marka pero nasa loob pa rin ako.

Nakahinga ako ng maluwag at napangiti. Napahiga ako sa damuhan. Ngayon, muli kong naramdaman ang sakit sa balikat ko. Napakapa rin ako sa bandang kwelyo ko dahil nakakaramdam ako ng kunting hapdi. Nang tingnan ko, may kunting sunog ang kwelyo. Dito pala ako natamaan sa huli niyang tira kanina.

Napalingon ako sa kalaban ko. Nakahiga pa rin siya habang tinitingnan ang kamay niya na kinagat ko. Lumapit sa amin ang mga Medication Army na narito sa division at inalalayan kami na tumayo.

"Congratulations," biglang bati nang naging kalaban ko. Napalingon ako sa kaniya. "Natalo mo ako," aniya habang nakangiti sa akin.

Ngumiti ako. "S-Salamat. Naka-chamba lang ako," mahina kong sabi.

"Tara na, Altair," yaya nang babaeng taga-Medication Army.

Tumango ako. Inalalayan niya ako na maglakad pabalik sa mga kasama ko sa top 10.

"Woah! Ang galing, Altair!"

"Kinabahan ako kanina. Akala ko talaga mapapalabas ka na niya."

"Congrats, Altair."

Nakangiting sinalubong nila ako.

Napangiti na lang ako sa kanila.

Pinaupo ako sa may damuhan ng mga taga-Medication Army at ginamot.

"Altair," tawag sa akin ni Agatha at lumapit. "Heto ang katana mo. Ako na pumulot."

"Hala. Salamat. Nakalimutan ko na pulutin," sabi ko habang kinukuha ang katana ko mula kay Agatha.

Biglang nagpatunog si Ma'am Aurora ng kaniyang pito para makuha ang atensiyon naming lahat.

"Tapos na ang unang estudyante. Agad tayong dederitso sa ikalawang sasalang sa pagsusulit," aniya habang nakatayo sa loob ng circle kasama ang lalaking Red Army na may hawak na numerong 2. Siya ang makakalaban ng ikalawang sasalang.

"Grabe ang tibok ng puso ko," biglang sabi ng kaklase kong lalaki habang nakahawak sa kaniyang dibdib. Siya ang pangalawang sasalang.   

"Kaya mo yan. Si Altair nga nakaya niya, ikaw pa kaya."

"Oo nga. Lalaki tayo. Di takot sa ganiyang laban."

"So, ibig mong sabihin ay takot kaming mga babae sa ganiyan?" Ani Agatha habang nakapamewang.

"Ah. H-Hindi sa ganun."

"Eh ano? Ha?"

"Aish. Basta hindi ganun."

Natawa kami sa kanila.

"Sige na. Sino ang nakabunot sa inyo ng number 2?" Tanong ni ma'am.

Nagtaas ng kamay ang kaklase kong lalaki na nakabunot ng 2.

"Oh ano pa hinihintay mo? Punta ka na rito para sa iyong pagsusulit."

Tumayo siya.

"Kaya mo 'yan," pagche-cheer ko.

"Oo nga. Kayang kaya mo yan." Cheer pa ng iba sa amin.

At saka siya pumunta sa may circle.

Inulit muli ni Ma'am Aurora ang rules at saka nagsimula ang laban.

Tahimik at minsan ay napapasigaw ang karamihan habang nanonood ng laban lalo na kung nakakamuntikang mapalabas ng circle.

Nagtuloy-tuloy ang laban base sa kung ano ang rules. Hanggang sa matapos na ang pangalawang studyante, sumunod naman ang iba.

May ilang napalabas sa circle at naubusan ng oras---at considered na talo. Pero bumabawi naman sila sa pangalawang laban nila gamit ang sandata.

"At ang panghuling sasalang sa pagsusulit ay si Agatha," ani Ma'am Aurora.

Tumayo na si Agatha at huminga ng malalim.

"Go, Agatha," cheer namin sa kaniya.

Pumunta na siya sa loob ng circle at ganun din ang kalaban niya. Agad na sinimulan ang laban.

May mga pagkakataong kamuntikan na rin siyang mapalabas pero nakakabawi siya. Sa dalawang laban niya, siya ang panalo.

"Ang pagsusulit ngayong araw para sa sampung kandidato para maging representative ay natapos na," ani Ma'am Aurora. "Mamayang ala-una, sasabihin na namin kung sino-sino ang pasok sa top 5. Magla-lunch break muna tayo at babalik dito pagpatak ng ala-una."

Nagpalakpakan kami at saka tumungo na palabas ng division.

"Altair! Agatha!" Napalingon kami pareho ni Agatha sa tumawag sa amin.

Si Ryoran. Tumatakbo siya palapit sa amin.

"Congrats sa inyong dalawa," nakangiti niyang saad. "Ang galing niyo. Nakaya niyong matalo kalaban niyo kahit ang lalaki ng katawan ng mga yun."

"Huwag ka munang magpakasaya. Hindi lang doon natatapos ang araw na to. May pag-anunsyo pa mamaya ng top 5," ani Agatha.

Tumango ako.

"Baka nga nanalo kami sa dalawang laban pero hindi sigurado kung pasok sa top 5," pagpapatuloy ni Agatha.

"Sus. Dala kayo niyan. Tiwala ako sa inyo."

Napahawak ako sa may tyan ko nang marinig kong kumakalam na ito. "Uhm. Tara na. Nagugutom na ako e."

"Oo nga. Nagugutom na rin ako," ani Ryoran.

At saka kami sabay-sabay na lumabas ng division.

*****

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon