CHAPTER TWENTY-SIX

10K 414 61
                                    

Tuliro si Kaito pagbalik niya ng silid. Tumingin ito sa akin na parang may sasabihin, pero nang tanungin ko kung ano iyon, umiling-iling siya. Nilapitan niya ang kuna ng bata at hinaplos-haplos niya ang pisngi nito. Dinaklot ng takot ang dibdib ko. He's hiding something from me.

Mayamaya uli may tumawag. Umalis na naman siya sa kuwarto namin. Pagbalik niya, pinahanda niya ako agad. Aalis daw kami roon sa lalong madaling panahon. Pagod pa ako sa biyahe at ang huling gusto kong gawin ay bumiyahe na naman.

"Sino ba ang tumawag?" tanong ko sa kanya sa salita nila.

Hindi siya sumagot. Nagbukas siya ng cabinet at kumuha ng iilang damit at nilagay sa maliit na LV rolling luggage. Nairita na ako sa pa-suspense niya kung kaya inulit ko ulit ang tanong. Medyo tumaas na ang boses ko.

"Si Chayong-san. Pinuntahan siya ng mga tauhan ni Papa. Bistado na kung saan siya nakatira ngayon. Binalaan daw siyang pagbalik nila at wala pa rin silang mahihitang balita tungkol sa kinaroroonan n'yong mag-ina rito sa Japan ay malilintikan na siya sa kanila kaya kailangan uli nating umalis. When they come back to her, she'll tell them we're here."

Kinabahan ako, pero nanaig ang inis ko sa papa niya at sa kanya mismo. Hindi ba niya kami kayang ipaglaban? Akala ko nagawa niya itong suwayin dati?

"That was before I filed for nullity of my marriage with Amane. Ngayon may katuwang na siya sa pagtugis sa akin."

"Paano niya nagagawa iyan? Anak ka naman niya? Bakit parang mas mahalaga sa kanya ang Amane na iyon? Ang damdamin ng babaeng iyon?"

Hindi na sumagot si Kaito. Minadali lamang niya akong lumabas ng silid. Siya na ang kumarga sa beybi namin. Pagdating namin sa basement parking, nandoon na ang van kasama si Akio. He looked worried and dead tired. Pagkakita nito sa amin ni Kaito inagaw agad nito ang mga luggages at dinala sa baggage compartment ng sasakyan.

"Naghihintay na ang helicopter sa inyo. Kailangan nating magmadali. May nakapagsabi sa akin na may nag-tip na ng kinaroroonan ng mag-ina mo rito."

"Sigurado ka bang wala nang nakakaalam nitong bago naming lilipatan?"

"Sa ngayon, wala. Oo nga pala, napalipat ko na rin si Chayong-san."

"Siguro'y mas mabuting umuwi na muna si Tita sa Pilipinas," mungkahi ko.

Malungkot na napatingin sa akin si Akio. "Hindi puwede. Nakabantay-sarado sila sa lahat ng airports dito sa Japan at oras na umalis si Chayong-san ay gagawan nila ito ng kaso para makulong nang sa gayon ay may access sila sa matanda para matunton ka nila at ang beybi n'yo ni Kaito."

Natatakot na ako kanina pa kung kaya nanlamig ang kamay ko sa narinig mula kay Akio. Kung ganoon ay nanganganib ang buhay naming mag-ina. Ganoon ba ka halang ang kaluluwa ng papa ni Kaito na kaya niyang ikompromiso ang apo alang-alang lamang sa pangalang nadungisan? Parang hindi yata ito ang lalaking inilalarawan dati nila Tita Chayong at Ate Roselda na na in love sa isang Pinay sa omise ng tiyahin ko. Ang pagkakaalam ko mabait at mapagmahal ang lalaking iyon. Kung hindi nga lang daw nakipagtanan sa nobyong Pinoy ang babaeng iyon ay baka nga raw iniwan niya ang mama ni Kaito para mapakasalan ang Japayuking iyon.

Mga twenty minutes lang ang byahe namin patungo sa helipad ng isang kaibigan ni Kaito sa Nagoya. Ninerbiyos ako habang paakyat sa helicopter. Hindi pa kasi ako nakasakay doon ever. Siguro naramdaman iyon ni Kaito dahil hinuli niya ang kamay ko at pinisil-pisil. Hinawakan pa niya ako sa kamay habang umaakyat.

Nang nasa loob na'y tumabi siya sa akin. Ako ang may karga sa bata. He kissed me softly on the temple before hugging our baby and me.

**********

SUKIYAKI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon