Chapter 60

6.2K 173 28
                                    

ALTAIR

Kinabukasan...

"Hmm~ lalala~"

"Ang saya mo ata ngayon, Eunice. Anong meron?" Tanong ko sa kanya na naghahanda para sa pagpasok.

"Hindi naman. Medyo lang," nakangiti niyang sagot habang sinusuot sapatos niya. "Masaya lang ako kasi kasali ka na sa top 5 sa inyo. At makikita ko ulit crush ko."

"Teka. Diba may kine-kwento ka last week kaso natutulugan kita, ikwento mo na sa akin."

Tumayo siya. "Hala oo nga no. Hindi mo na ako matutulugan."

Napatawa ako.

"Ah. Mamaya na lang pagkauwi natin. Papasok na tayo e. Mabibitin lang kwento ko."

Tumango ako.

"Haay. Ang gwapo niya talaga. Ang kisig," aniya at napahawak pa sa magkabilang pisngi niya dahil sa kilig.

Napangiti lang ako at saka ko kinuha ang katana ko. "Tara na nga. Basta mamaya kwentohan mo ko."

Tumango siya habang nakangiti.

Lumabas na kami sa dorm at saka tumungo na papuntang trainee section.

"Altair!"

Halos sabay kaming napahinto at napalingon ni Eunice sa tumawag sa akin nang nasa Trainee section na kami. Si Ryoran.

"Oh. Ikaw pala, Ryoran. Morning," bati ko.

"Morning din." Nakangiti siya nung una ngunit nang madako ang mga tingin niya kay Eunice, biglang nawala ang ngiti niya.

Liningon ko si Eunice. Inirapan niya si Ryoran.

"Magkabati na nga k---" naputol ang sasabihin ko nang biglang magsalita si Ryoran.

"Eh kasi itong kaibigan mo, crush ako."

Napa-"Ha?" ako agad.

"Hoy. Excuse me. Hindi nga kita type. Mahangin ka. Hambog ka. Pangit ka," ani Eunice.

"Palagi ka kasing galit sa akin."

"Alam mo na diba kung bakit ako galit sayo. Diba? Purely galit ako sayo. Nakakaasar presensiya mo."

"Palagi mo na lang ginagawa na palusot yan e."

"For your information, may crush akong iba. Kaya tigilan mo na 'yang pag-a-assume mo. Kadiri," nakapamewang na saad ni Eunice.

"Crush ka ba ng crush mo na yan?" Tanong ni Ryoran.

Medyo natagalan sumagot si Eunice. "Uhm... Hindi ko nga alam kung napapansin niya ako e," sagot niya at napaiwas ng tingin.

Napatawa si Ryoran. "Paalala ko sayo, wag ka nang umasa. Paniguradong hindi niya alam existence mo at paniguradong wala siyang pakialam sayo kung malaman niya man ang tungkol sayo."

"Tse! Grabe ka."

"Ako pa ngayon grabe. Ikaw nga itong nagsimula."

"Akong ako nagsimula?"

"Galit ka kasi palagi kahit hindi naman ikaw inaway ko noon."

"Imbes kasi na magpakabait ka para hindi na ako magalit, tinitumbasan mo ng pang-aasar."

"Bakit ako magpapakabait sayo? Sino ka ba ha? Baka isipin mo pa na may gusto ako sayo. Hindi kita type."

"Ay wow. Linya ko yan e. Hindi kita type. Pangit ugali mo. Pangit pa mukha mo."

"Pangit din ugali mo. Pangit din mukha mo."

"Pangit ka."

"Mas pangit ka."

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon