"Hi admin!! Sobrang haba po nito sana po ipost niyoo T.T Gusto ko lang po ishare yung experience namin ng mga kaklase ko noong linibot namin yung under construction na building sa school namin.
So sa school po namin dalawa po ang building na mayroon kami don, Building A at B. Dalawang building yung under construction noon so bawal pa naming puntahan kahit isa sa building that time. Yung classroom na ginagamit namin ay temporary lang, isang makeshift na nakapwesto sa quadrangle, we were just grade 8 that time at malapit na ring mag end of school year non so yung ibang teacher namin ay hindi na pumupunta sa room dahil nga parang mga one week na lang ata bago kami mawalan ng pasok noon. Pumapasok na lang rin naman kami ng mga kaklase ko noon para tumambay at i-enjoy ang pagiging estudyante.
So sisimulan ko na ang pag kikwento.
Last subject namin ay 6:00 - 7:00 PM. So as expected itong last subject teacher namin ay hindi nagpakita. Lumabas kaming lahat ng mga kaklase ko sa room noon dahil ang room namin ay nakatapat lang sa Building B at yung room namin kapag lumabas ka, nasa labas kana rin ng makeshift classroom. Yung Building B kasi sobrang nakakatakot kapag nakapatay lahat ng ilaw at lalong lalo na kapag gabi, so ayun nga, nakapatay lahat nung ilaw sa Building B dahil nga under construction siya. Lahat kami nakatingin sa building na yon at nag tuturuan na kunwari may multo dun na nakatayo sa ganto at ganyan, so habang nag tuturuan yung iba kong kaklase, nag k-kwento naman yung iba about sa experience nila about seeing a ghosts sa mga lugar lugar at mga kabahayan nila.
Naiinis ako sa ibang kaklase ko that time dahil nagmamayabang sila na kapag nakakita daw sila ng multo kukutusan daw nila yung multong 'yon so medyo nagkakasubukan na ng katapangan nung time na yon.
So yung isa kong kaklase na itatago ko sa pangalan na Jud, nagyaya siya na ilibot namin ang Building B, first floor to gym habang hindi pa nag uuwian. Wala na kaming aalahanin sa mga teachers non dahil yung ibang teacher sa kabilang section busy sa pag tuturo tas kaming lahat ng mga kaklase ko nasa labas ng makeshift.
So si Jud nagsimulang magtanong kung sino yung sasama sa kaniya lumibot ng Building, mga tatlo lang ang tumaas ng kamay. Wala ni isa sa mga mayayabang kong kaklase na mang kukutos daw ng multo kapag nakakita sila ang tumaas ng kamay. So halatang mga nag mamayabang nga lang tlga 'tong mga to.
So nagtaka yung kaklase naming si Jud kung bakit ang konti lang ng tumaas ng kamay eh halos kanina ang daming nag mamayabang na lalaki. Ayun nga, hindi ako tumaas ng kamay kasi medyo kinikilabutan ako sa madidilim na lugar, pero no choice ako nang yayain ako ng mga kaibigan ko, kasi pati sila sasama na. So mga 8 na kami noon.
Hindi na namin pinatagal at pumunta na agad kami sa Building na 'yon. Puro alikabok at may mga kahoy kahoy pa sa sahig noong nasa first floor kame, cellphone lang ng kaklase ko ang nagsisilbing liwanag sa dinadaanan namin. Hanggang sa umakyat na kami ng hagdan paputang second floor. Dito medyo nanguna ako ng konti at dumikit sa nag l-lead ng lakad dahil sobrang kinikilabutan ako kapag tinitignan ko yung dadaanan namin. Yung c.r medyo nag iistink at medyo masakit sa ilong pero hindi ko pinansin dahil nangunguna talaga yung kaba ko that time. Si Jud yung nag l-lead ng lakad, hindi kasi naniniwala sa multo yun kaya parang fieldtrip lang ata sa kaniya to. Libot na libot talaga namin yung second floor halos pinag sisipa pa nga ng iba kong kasama yung pinto ng ibang room tas pinag hahampas yung upuan ng kahoy para makagawa ng ingay then yung iba nananakot at sumisigaw sigaw pa tas yung iba naman nanggugulat. Pinipilit kong maging matapang nung oras na yon dahil kahit sila na nantitrip lang kwinento nila na sa second floor parang kinilabutan rin sila nung wala na kami sa building. Sobrang kabado ako talaga dahil sabi sabi daw yung school dati isa siyang graveyard tas ginawang eskwelahan nalang daw. So ayun, tapos na namin lakarin yung second floor, umakyat na kami papuntang third floor. So as expected parehas lang yung mga nakita namin, yung ibang pintuan ng room nakabukas kaya tuwing nadadaanan namin yung mga pintong nakabukas pinag sisipa nila para masara. Then yung isa kong tahimik na kaklase na nakisama lang samin biglang nadapa. Rinason niya na nakakita daw siya ng nakatayong babae sa nadaanan naming room kaya daw na out of balance siya. Pagkatapos niyang sabihin yon napatakbo kaming lahat sa takot kaya kung sino man yung mahuli sa pagtakbo bahala na siya sa buhay niya kasi nga paunahan na tumakbo yon, so ako sobrang bilis ko tumakbo non kasi nga takot na takot na ko then sinundan ko lang si Jud na nangunguna sa pagtakbo, napaakyat kami papuntang gym, then huminto kami nang nakarating na kami ron. Sa sobrang takot ko hindi ko namalayan na wala na palang sumusunod samin ni Jud non. Napaupo pa ko dahil sa sobrang hingal at pagod sa pagtakbo. Medyo nainis ako na may kasamang pagkatawa. Kasi nga nag sari-sarili na kaming takbo non, yung mga kaibigan ko at mga kaklase ko hindi na kami sinundan tuluyan na talaga silang bumaba. So kami na lang dalawa ni Jud ang magkasama ngayon, mga isang minuto lang kaming nag pahinga at bumaba na agad kami ng gym. Dinaanan namin yung hagdan na kung saan kami umakyat papuntang gym then sa hindi inaasahan, may nakaharang na upuan sa gitna ng hagdan na kanina naman ay wala 'yon don. So ayon nanaman, tumakbo kami ni Jud and this time ako na yung nangunguna, walang makakapigil sa'kin kapag sobrang takot na takot na ko, halos sobrang layo ko na kay Jud halatang hinihingal siya kasi mabagal na siyang tumakbo. Hanggang sa nakababa na ko ng building, bungad yung mga kaklase ko na tuwang tuwa kasi iniwan nila kami sa sobrang takot. Halos pati yung mga kaibigan kong nang iwan rin tuwang tuwa na may kasamang pag hingal, samantalang ako inis na inis sa kanila kasi iniwan nila kami ni Jud don. Then hanggang sa nag uwian na, si Jud hinihintay namin, hindi pa rin kasi siya nakakalabas sa Building B.
Kinabukasan, kwinento ni Jud na sa bridge siya dumaan paputang Building A dahil may humaharang daw sa kaniya na babae non nung papababa na siya sa second floor ng Building B, kaya sa Building A siya dumaan para makababa. Pagkatapos niyang ikwento yon hindi na kami bumalik sa Building B. Ngayong
taong wala na kaming lahat sa school na yon dahil nag moving up na kame, ayos na daw yung Building B at pwede nang pag gamitan para sa mga papasok next school year.
YOU ARE READING
SPOOKIFY
Fanfictionthis stories are from faceboook, official site of spookify and I make this for readers who want to read it offline like me :) so add this tory to your library and click vote :) Have a great day! Thanks :) SPOOKIFY OFFICIAL FACEBOOK PAGE: ht...