Hello readers of spookify =) matagal ko nang i share to sainyo kaya sana mai post ni admin =)
Nangyari ang kababalaghang ito nung Grade-1 palang ako and now I'm 18 at itago niyo na lang po ako sa pangalang ""Jhay"". Ang bali balita dati samin ay mangkukulam daw yung Lola ng Mama ko kung sa itsura niya at sa loob ng bahay niya kahit sino talaga maniniwala. Weird man pero pati ako naniwala. Sa loob kasi ng bahay nya medyo may masangsang na amoy di ko maipaliwanag kung ano yun atsaka sa mga gamit andaming nagkalat na putol putol na kandila.. Mabait naman si inno (inno tawag naming mga ilokano sa nanay ng lolo namin gets?) masayahin sya kaya nga medyo na gui guilty ako kung bakit ako naniniwala na mangkukulam sya .
Ff
Isang gabe nagpa alam sya na makikitulog muna daw sya dun sa bahay ng pinsan namin ff.
Kinabukasan. Mga 4:30 am ng madaling araw ginising ako ng ate ko umiiyak sya tapos di sya makapag salita tanging yung mga hikbi nya lang yung naririnig .. Kasi sya yung pinaka close dun sa lola namin.
Tinanong ko sya kung bakit sya umiiyak yun nga wala na daw si inno . Ff papunta na kami dun sa bahay nung mga pinsan ko kung san sya natulog naabutan namin yung labi ni inno na pinapaliguan bago sya embalsamohin umiyak nalang din ako ng umiyak that time kasi nga na gui guilty ako sa mga hinala ko sa kanya noon .. Ff pabalik na ako sa bahay namin that time kasi pag dadaan ka pauwi galing sa bahay nina auntie madadaanan mo yung bahay ni inno bago yung bahay namin nung dadaan na ako sa may bahay ni inno napansin ko na unti unting bumukas gung bintana . Natigilan ako sa aking nakita hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko that time tagaktak narin yung pawis na lumalabas sa katawan ko . May nakatayo sa bintana ni inno black lahat yung suot nya na may hawak na tungkod di ko makita yung mukha nya tanging yung mata nyang pula lang yung nakikita ko sa may bandang mukha nya ang kinagulat ko nasa tabi nya si inno .
Hanggang sa tinawag ako ng nanay ko nasa poso sya napansin nya siguro na nakatayo lng ako dun napalingon ako sakanya . Pagtingin ko sa bintana wala na yung nakatayo pati si inno tumakbo ako ng mabilis papunta kay nanay atsaka ako umiyak ng umiyak . Sa tuwing tinatanong ako ng nanay ko kung anong nangyari di ako makapag salita ..
Ff hanggang nailibing na si inno dun ko lang kwinento sakanila yung nakita ko . Nag alay kami ng dasal sa loob ng bahay nya bago namin ina bandona .. Mula noon di na nagparamdam si inno sakin at pati ang KANYANG SUNDO !
-JHAY
YOU ARE READING
SPOOKIFY
Fanfictionthis stories are from faceboook, official site of spookify and I make this for readers who want to read it offline like me :) so add this tory to your library and click vote :) Have a great day! Thanks :) SPOOKIFY OFFICIAL FACEBOOK PAGE: ht...