Chapter 64

5.5K 142 2
                                    

ALTAIR

"Simulan natin ang pakitanggilas! Simulan natin sa Blue Army Division, the Alchemy section! Ang magiging judge ay ang commander at lieutenant ng Blue Army."

Naghiyawan at nagpalakpakan na ang mga manonood.

"Ang unang magtatanghal sa Blue Army Division ay si Roy Howard!"

Nakita ko ang isang lalaki na lumabas mula sa isang doorway na may nakasulat na Blue Army Division. Nakikita din siya sa mga hologram screen na nasa mga audience. May dala siyang... baril? Sandata niya ata yung baril.

Pagkarating niya sa sentro, may iginuhit siya na pabilog dun na malaki. Tapos may mga maliliit din na bilog. Tapos kung ano-ano pa.

Pagkatapos niyang magdrawing, lumabas siya sa bilog na kaniyang iginuhit at kinasa ang kanyang baril.

So, action scene ganun?

Nakita kung may binubulong siya sa baril at itinutok na niya ito sa gitna ng kanyang iginuhit na malaking bilog at saka na niya kinalabit ang trigger.

Pagkaputok ng baril, nagliwanag ang kanyang iginuhit sa sentro. Nakita ko na ipinitik niya ang kanyang mga daliri.

"Woah," halos sabay-sabay na reaction ng mga manonood. Dahil unti-unting nabuo sa loob ng nagliliwanag na guhit na bilog ang isang malaking rebulto ng aso.

"Oh? Aso talaga?" Rinig kong komento ni Xander. "Pero ang cool nun ha."

Nagawa niyang makagawa ng malaking rebulto? Wow. Ang astig ng Alchemy. Sana ganun na lang ang kakayahan ko para kung gusto ko, gagawa na lang ako bigla ng bahay---ay pwede ba yun?

Ipinitik ulit nung lalaki ang kanyang mga daliri at biglang naging apoy ang rebulto. Pagkahupa ng apoy, kasabay din ang pagkawala ng rebulto sa sentro at ng kanyang iginuhit.

May kinuha siya sa kaniyang bulsa. Isang white glove. Nang tumingin ako sa mga hologram, kitang-kita doon ang pagpokus sa glove na sinusuot ni Roy. Makikita na may nakaguhit sa likot ng palad nito na isang circle na halos kagaya sa iginuhit niya kanina sa arena.

Pagkatapos ay may binubulong siya. Mayamaya lang ay ipinitik niya ang kaniyang mga daliri kasabay nito ang biglang pagbalot ng tila itim na metal sa kaniya. Nabuo ito sa isang malaking itim na cube habang nasa loob siya.

Naging tahimik kaming lahat. Hindi namin siya makita.

Ilang sandali lang, tila na-disolve ang buong cube at nakita na namin ang loob. Nakatayo na si Roy sa isa sa mga tila pillars na gawa sa itim na metal. Nagpalakpakan ang mga manonood. Akala namin tapos na nang biglang nagkaroon ng mga spikes nag mga pillars.

"Woah. Pwedeng magamit na patibong ang ganiyan," komento ni Xander.

Mas lumakas ang palakpakan ng mga manonood lalo na ang Blue Army.

Naglaho ang mga ginawa ni Roy at saka siya nag-bow.

"Iyon ang ipinamalas ng ating unang kalahok mula sa Blue Army, si Roy Howard. Ngayon ay dederitso agad tayo sa pangalawang magpapakitanggilas!"

***

Matapos ang lahat sa Blue Army division, sumunod ang Chant Army division. Yun nga lang hindi ako makapag concentrate sa panonood dahil may ilang mula sa Chant Army division na kumanta at mukhang pampatulog ang kanilang kinanta. Minsan naman mula sa mala-lullaby bigla-biglang nagiging agresibo ang kanta to the point na parang naguguluhan kami. Pero ganun naman talaga ang point nila, paliwanag ng mga nagperform. If ever daw nasa totoong laban sila, parang ganoon ang gagawin nila.

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon