Chapter 66

6K 153 8
                                    

ALTAIR

Nananatili lang akong nakatayo dito. Hindi ko alam ang gagawin.

Bakit ganun si Agatha?

Napabuntonghinga na lang ako. Nilingon ko ang nagsasayang mga estudyante dito sa arena. Nagkakatuwaan sila para sa kanilang kaibigan na nanalo bilang representative.

Parang nawalan ako ng gana na makipagsaya sa kanila dahil sa inasal ni Agatha ngayon.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Agatha," sambit ko.

Huminga ako ng malalim para makalma ang sarili ko.

Napagpasyahan kong umalis na lang dito dahil wala na akong gana. Pumasok ako sa may doorway. Naglakad-lakad lang ako. Pumasok sa isang malaking pinto at umakyat sa hagdan. Tapos namalayan ko na lang na nasa labas na ako. Nasa mga upuan ng manonood. Hapon na rin.

Kunti na lang ang nandito dahil lumabas na ang karamihang army. Ang Royal Army at may ilang teachers na lang ang nakikita ko rito sa mga bench. Tiningnan ko ang mga studyante sa baba mula dito sa kinatatayuan ko.

Bumaba ako sa pinakababang parte ng mga upuan rito---yung ala-front seat---para mas makita ng malapitan ang mga estudyanteng nasa gitna ng arena. Umupo muna ako sa bakanteng upuan. Pinagmasdan ko na lang ang mga nasa baba na hindi mawala-wala ang mga ngiti.

Bigla kong naalala ang mga araw na hindi pa ako nandito sa EGA. Nami-miss ko ang mga classmates ko sa dating paaralan kung saan normal lang ang lahat. Kumusta na kaya sila?

"Nakita ko yun," natigilan ako nang biglang may nagsalita sa tabi ko.

Dahan-dahan kong nilingon, napatingala at natigilan na lang ako nang makita ko siya. Nakatayo siya sa tabi ko.

'Lucian,' banggit ko sa isip ko sa pangalan niya. Sigurado akong siya 'yan dahil nakita ko mula dito yung dalawa pang Imperial na nagkakasiyahan. Tsaka ito kasing awra niya...

Umupo muna siya sa tabi ko. Dedestansya sana ako dahil ayoko na magkalapit kami ng hawakan niya ang kanang kamay ko bigla.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Bigla akong nanlamig.

"Bakit ka lumalayo sakin?" Tanong niya. Pero hindi siya nakatingin sakin. Diretso lang ang mga tingin niya sa baba---sa mga estudyanteng nagkakasiyahan at hawak pa rin ang kamay ko.

Napakurap lang ako. Nagtatanong siya kung bakit ako lumalayo sa kanya? Ha? Diba alam na niya yun kung bakit? Ay teka, alam na nga ba niya?

Nang hindi ako makasagot, lumingon na siya sakin.

Shemay. Ang seryoso niya talaga.

"U-Uhm..." kainis ha. "Kasi..."

Gusto kong may bulalakaw ang biglang tumama sa arena ngayon para malihis atensiyon niya.

"Dahil takot ka sakin?" Siya na mismo ang sumagot pero sa tonong patanong. Tumango na lang ako.

"Tss. Bakit? Hindi naman ako kumakain ng tao."

Wala naman akong sinabi na kumakain siya ng tao. Wala akong sinasabi na cannibal siya. Duh.

Binitawan na rin niya ang kamay ko. Agad ko naman na binawi.

Bumuntonghinga siya.

Oh? May problema siya? Awsus. Di ko siya matutulungan.

Napatingin ako ulit sa baba kung saan nandun pa rin ang ilan at nagkakatuwaan. Nahagip ng mga mata ko ang isang Imperial. Nakatingin siya sa direksyon namin ni Lucian. Ilang segundo pa siyang nakatingin sa amin ng umirap siya. Tapos sumiksik sa mga iba pang estudyante kaya nawala sa paningin ko.

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon