Hi, I am a 17 yr old junior student from Bulacan and I just wanna share my story when our school decided to have our retreat as part of our upcoming completion last year.
So eto na, Excited kaming lahat kasi for 3 days magsasasama-sama kami ng mga abnormal kong kabarkada. And destination namin ay sa ***** Bulacan Which is less than hour lang ang biniyahe namin from our school. Nung nakarating na kami sa venue. Mapapa shit ka kasi parang hacienda ni Marimar. Pag pasok ng convoy namin parang dairy farm siya kasi may baka na nakadrawing. Haha. Pag entrance namin, bumungad samin ang mga statue nila snow white and the seven dwarves. Di lang yon, habang pumapasok kami sa mismong retreat house.. ang dami pang cartoonized na statue na kala mo nasa disneyland ka. Kada side ng garden ay may nakalagay na structure meron pa ngang miniture ng eiffel tower e. So ayun, yung retreat house ang layo pa sa mismong entrance kumbaga nasa looban pa. Para kaming dumaan ng bukid ni mang tasyo. When we got there, the place is nice and so wide. There are huts and beautiful flowers around the retreat house. Maganda yung place. Except for the statues (again) pero iba na. hindi na siya mga cartoons o anime, mga poon na. Meron don isa na sure akong si St. Peter at ang isa ay Angel, hindi ko sure kung St.Michael or Gabriel kasi iba yung imahe niya e. Di ko matukoy. Bukod sa kanila, marami pa, meron pang mga usa na katabi ng mga santo at meron don sa gitna isang lalake na may hawak ng pana at naka aim ito sa isa pang statue na lalake din na siya namang naka tingin kay St. Peter (i picture out niyo na lang) So ayun, may mga duwende din na statue pero di na kasama sa 7 dwarves ni snow white
Day 1, everything was great and fine. Mejo badtrip lang kase magkahiwalay ang house ng boys at girls, kaya wala kaming kadamay mantrip. Kaya ang ginawa na lang naming mga girls eh kumain, kumain ng mga pagkain na galing sa kabilang room na dinukot namin. Haha (mga ka batch din namin)
Everything was smooth and fun from day 1 and the day after but not until the last day.
Day 3
we were hanging outside in a hut kasama yung mga tropa naming lalake, kakatapos lang non ng dinner kaya magkakasama kami sa garden nagusap kami ng mga bagay bagay mostly nakakatakot, ako naman todo bangka, kasi nagtatanong sila, open topic kami, alam kasi nila na i can see and feel ghosts. (Actually, normal na sa family namin yun. Mga tito ko nga hindi lang mga multo ang nakikita e) Until I felt something, naramdaman ko na may tumabi sakin, the cold breeze even na hindi naman humangin, ang creepy ng feeling ko, tumatayo yung balahibo ko, at nahihilo, Sa point na yun, alam ko. Alam ko na hindi lang kami ng mga kabarkada ko ang nasa kubo. And so i shutted up. Hanggang sa tinanong nila ko kung bakit ako tumahimik. And guess what inasar pa nila ko. One of my friend said "oh ano? Natakot ka na?" Then i just smile at them at sa point na yun tumahimik silang lahat, nagkatinginan kaming lahat. Syempre magkakaibigan kami, tingin pa lang nagkakaintindihan na kami. And then this conversation happens..
Sam: Huy gago, sabihin mong joke lang
Jem: Parang tanga nananakot nanaman
Juan: Si bakla naman oh parang timang
Ako: May nakikinig satin. Iba na lang pag usapan natin.
Then I laughed. Nang bigla namang natulala yung isa ko pang bestfriend, si Joy at bigla na lang umiyak, then she screamed. She was crying on us. Sabi niya, nakita daw niya ang pugot niyang ulo sa puno na nakangiti sa kaniya. Lahat kami nag freak out. Ang sabi ko na lang, pumasok na kami sa session hall at ipaubaya si Joy sa mga nag ppreach. After non. Natulala kaming lahat habang tuloy tuloy yung program nung retreat namin. Hanggang sa bed time na. Kalmado naman ang lahat, then kinausap namin si Joy.
Aly: diba sabi sunugin ang damit pag nakita mong pugot ang ulo mo?
Sam: bakit? Kasi mamatay ka?
Joy: Sabi nila wag ko daw gawin yun. Kasi kung susundin ko daw yun. sinusunod ko daw ang demonyo.
napaisip ako, sabagay. Bakit ka matatakot? Sabi nga sa bible "Fear no evil" tsaka no one is above God.
After that conversation, we all lay on our beds Then we had the night. we THOUGHT we had the night.
up and down ang beds namin anim silang girls sa baba, then kami sa taas ay lima. Pero tatlo lang ang kama pinagdikit dikit lang namin. So imaginin nyo na lang kung gano kami kaadik. Hahaha. Pagod ako, puyat halos lahat naman kami ganon. So nakatulog na ko, sa tabi ko si loi, nakatulog na din. Habang yung iba nagchichismisan pa. After a while, naalimpungatan ako kase may padaan daan sa gilid ko, I have strong senses. Then sabi ko, "ysa wag kang magulo, palakad lakad ka e." Then she replied "tulog mo na lang yan bui" sa isip ko, "siraulong to layo ng sagot hahahaha" pag tapos non nagising ako kasi gumalaw yung kama, nakita ko si loi naka upo na. Pero nakapikit hahaha nagsasalita sa sobrang antok at galit pa nung nagsalita, sabi niya "wag niyong hatakin kumot ko, natutulog yung tao" so natawa na lang ako, then nakita ko may tumakbo
sa gilid ko, feeling ko si ysa pinagttripan kami, so sinumbong ko kay loi. Sabi naman ni Ysa, hindi siya yun. kasi nakahiga na siya. at sinilip ko siya, aba naka higa nga nasa gitna pa nila joy at andeng so lahat kami freak out nanaman. Si loi bumaba na at tumabi kila sam at aly Lahat kami natahimik. Hanggang sa di na ko nakatulog ang nakatabi ko na ay si Jean, ng natingin ako sa kisame, nakatapat don ang phone ni andeng then may nakita kong shadow. I figured it out, babae, babaeng matanda, wait muka siyang madre, oo madre, madre na naka belo. Then kinilabutan ako. Tinuro ko kay Jean
Me: naiimagine mo ba naiimagine ko?
Jean: Oo bi
Me: Pag yan nawala patay tayo,
Jean: Andeng wag mo papatayin ilaw ng phone mo ha?
Eto namang si andeng sagad ang pagka gaga kaya pinatay. Kinabahan kami ni Jean, pano pag nawala? Pano pag nawala yung anino? Ibig sabihin totoo? O anino nga lang ba talaga?
Then i decided. Sabi ko kay Jean buksan ulit ilaw ng phone ni andeng para magkaalaman. Sinunod naman ni andeng, same position and angle then she opened her phone. And... we were right, Nawala yung anino, nawala yung anino sa kisame kasi nung lumingon kami sa gilid ng kama, nandon na yung madre na naka belo ng itim. Nakaharap samin ni Jean. And thats the time na we both scream at ako naiyak sa sobrang bigat ng pakiramdam. Parang di ako makahinga. Jean hugged me tightly, yung mga nasa baba walang kaalam alam kung bakit kami sumigaw at kung bakit ako umiyak, ang sabi lang ni Jean ay "matulog na tayo" after that they decided to pray our father, and when were at the middle of the prayer bigla namang may kumatok, we were waiting for someone to sneak in the window. kase open yun. But then walang sumilip. And it knocks again. pero yung katok, hindi katok ng pang katok talaga. It was a slow knock and siguro may 2seconds na interval after each knock, then biglang nagsalita si Ysa, "sinasabayan lang tayo sa dasal, wag na our father alam din nila yan" after non nagpray ako ng sarili ko, siguro sila din kase natahimik yung room and so hindi ko na alam kung pano ko nakatulog, at yung iba ko ding friends hindi na alam kung pano sila nakatulog.
Nung umaga uwian na. Hindi na namin pinagkwentuhan ang mga nangyari. but then napaisip ako, bakit walang nakakarinig sa mga sigaw namin, sa likot namin, at sa pagiyak namin. When dingding lang naman na hindi concrete ang pagitan ng mga rooms at malapit lang samin ang rooms ng mga teachers. Pero after non, nalaman namin na hindi lang kami ang naka ranas ng mga creepiness sa retreat house. Pati din yung mga host nung retreat una pa lang daw iba na ang ambiance, mula sa mga porma ng statues at sa kung paano ito idinisplay. Bago umalis ang mga host, pinagdasal nila ang lugar.
After that, napatunayan naming Wala paring titibag sa barkadahan namin. Hence, naging solid pa kami lalo. Yown.
Thankyouuuu till next time.
Ps: The story of the nun in my life doesnt end yet...
-bi
YOU ARE READING
SPOOKIFY
Fanfictionthis stories are from faceboook, official site of spookify and I make this for readers who want to read it offline like me :) so add this tory to your library and click vote :) Have a great day! Thanks :) SPOOKIFY OFFICIAL FACEBOOK PAGE: ht...