Chapter 18

248K 5.2K 480
                                    

Marahas na isinara ni Falcon ang laptop at aburidong inihilamos ang kamay sa mukha dahil sa nakitang larawan ni Mhelanie at isang male American. Hindi maitatangging nasa bar ang mga ito. Nagagawa na talaga nitong mag-bar samatanlang siya ito't walang ginawa kundi ang isipin ito. Pansamantala nga siyang nag-stay sa bahay ng magulang niya dahil nauuwi siya lagi sa paglalasing kapag nasa penthouse siya. Mababaliw siyang mag-isa roon. Bawat sulok ng penthouse ay memory nila ni Mhelanie ang nakikita niya. 

Kinuha niya ang cell phone na nasa desk sa tabi ng laptop at agad na kinontak ang pinsang si Jufred na siyang pinakiusapan niyang magbantay kay Mhelanie sa California. Walang sumasagot. Nakailang subok siya bago sinagot ni Jufred ang tawag niya.

"Hey?" Humahangos ito sa kabilang linya.

"You, fuck knob! I told you to guard my wife. Bakit may nakakalusot? Bakit nasa bar siya? Ikaw nasaan?"

"Let your wife enjoy herlife once in a while. Kaya ka iniiwan, eh." Nanggalit ang bagang ni Falcon sa sinabi ng pinsang si Jufred.

"Hey, lover boy! C'mon, drill my pussy now." He heard a woman's voice in the background.

"In a minute, Mhelanie."

"Hey! It's Carrie, not Mhelanie!"

"Yeah, Carrie." Jufred chuckled.

Naiiling na binabaan ni Falon si Jufred ng telepono. That fucker! Wala pa ring pagbabago. Babaero pa rin. Isinandal ni Falcon ang ulo sa sandalan ng swivel at tumitig sa kisame. He missed his wife so much. Kakayanin niya kayang hindi ito sundan? Pero kailangan magtiis siya. Mhelanie needs some space from all of these trouble that he caused. Kung mahal talaga siya ni Mhelanie babalik ito agad. Babalikan siya nito. Pero paano kung hindi? Marahas na iniling ni Falcon ang ulo. Babalik ang asawa niya.

Muli na lang hinarap ni Falcon ang laptop. Hinugot niya pabukas ang drawer para kunin sana ang dokumentong kailangan ng isang underwear ang makita niya mula sa loob. Ang unang-unang pumasok sa isip niya ay si Alford. Si Alford ang madalas gumawa ng ganito sa kanila. Tuwing may party ay gagawa ng milagro kasama ng babae at mag-iiwan souvenir. Briefs, panties or bra. Minsan nga ay nag-iwan ito ng panties ng isang babae sa opisina ng lolo ni Wilson. Ayon nagkaroon ng wold war three sa pagitan nito at ng asawa dahil inakalang may babaeng ginalaw ang matanda sa opisina nito. But then he had realized na wala nga pala si Alford sa party  gabi. Nasa bakasyon kasi ang mag-asawa.

"Dock!" He uttered, annoyed. Napahilot siya sa kanyang batok sa isipang pinaggagawa ni Dock kay Geallan. Geallan is innocent at mukhang kinuha na ni Dock ang kainosentahan nito. He will fucking kill him kapag sinaktan nito si Brielle at hindi pinanagutan ang mga pinaggagawa nito.

Kapag napatunayan niyang si Geallan nga ang nawawala niyang kapatid kailangan niyang makausap si Dock. Hindi pwedeng isama nito si Geallan sa mga babaeng pagsasawaan at itatapon lang pagkatapos dahil sa takot sa panghabang buhay na commitment.

Kaya pala magaan ang loob niya kay Geallan una pa lang dahil posible ngang kapatid niya ito. Nang makita niya ang mommy niya na umiiyak kagabi at paulit-ulit na sinabing si Brielle at si Geallan ay iisa ay napaisip din siya.  Kung sa pisikal na anyo ang pagbabasehan ay malaki ang pagkakahawig nito sa kanyang ina at sa kanyang tiyahing si Sarah.

Lalong lumakas ang paniniwala ng kanyang mommy na si Geallan nga si Brielle nang malaman nito kung sino ang mga magulang ni Geallan. Si Alma Cervantes, ang pinsan ng kanyang ina na may matinding galit dito. Nagpa-imbestiga pala si Sarah para kumpirmahin kung iisang tao lang ang Alma at Danny na magulang ni Geallan sa kilala nila. Naghinala si Sarah na si Geallan ay si Brielle nang sabihin nito kung sino ang mga magulang nito at nang sabihin nito ang edad.

Fatal Attraction 2: Get WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon