Level 51

4.1K 207 37
                                    

"Nico!"

Hingal na hingal ako pag gising ko, ang bigat ng dibdib ko at hindi nakalagpas sa'kin ang mga luhang tumulo mula sa mata ko,

It was just a fucking dream.

Damn it! Akala ko totoo, a-akala ko....

Malibis kong pinahid ang natuyong luha, what was that dream?

Bakit ganito ako kaapektado, pakiramdam ko totoo talaga ang nangyaring 'yon. Namatay ang kaibigan ko sa mismong harap ko at wala akong nagawa, bakit?

Ang mga lalaking humahabol samin, ang pag ka dakip sa kaibigan ko, totoong totoo ang lahat, akala ko...

Pero ang mas nagpapatindi ng galit sa puso ko ay ang katotohanan na kahit sa totoong pagkakataon, baka wala din akong magawa.

Alas tres palang ng madaling araw, oras na pinaka kinatatakutan ko, pero isinantabi ko ito dahil wala ng mas nakakatakot pa sa panaginip ko.

Hanggang ngayon ay malinaw na malinaw sa isipan ko kung paano lagutan ng hininga sa mismong kamay ko ang kaibigan ko.

Bakit wala akong nagawa, kahit panaginip 'yon, bakit hanggang doon ay wala pa rin akong kwenta?

Akala ko ba may kakayahan ang taong kontrolin ang panaginip niya?

Kahit alanganing oras sinubukan ko siyang tawagan, hindi ako mapakali pakiramdam ko, kailangan ko siyang makausap.

Walang pag aalinlangan na tinawagan ko ang numero niya, alam kong tulog pa siya sa mga oras na ito pero gusto kong makasiguro, gusto kong malaman na nasa maayos siya.

Ikakamatay ko kung magkakatotoo ang bangungot na 'yon.

Pag katapos ng ilang ulit na pag ring ay nakahinga ako ng maluwag ng may sumagot dito.

"Hmm, Lex?" Anito sa inaantok na boses. Halos tumulo ang luha ko ng marinig ang boses niya.

It's just a dream, you still have her.

"I-I just had a bad dream, sige matulog ka na, sorry sa abala." Mababang boses na saad ko.

"Hm 'kay, night, pray before you sleep Lex." Halos hindi na maintindihan ang sinasabi nito dahil sa antok niya.

Ilang sandali ay pinatay ko na rin ang tawag ng marinig ko ang hilik nito. Halos mabunutan ako ng tinik. Hindi ko pa din lubos maisip ang gagawin ko kung sakaling totoo ang panaginip ko, buti nalang nagising ako agad.

Hindi mangyayari 'yon... It was just a dream, bukas na bukas mas pag iigihan ko pa ang pagsasanay, I'm way better than the person in my dreams.

The reality version of me is way braver and... Stronger.

×××
Guys sorry na sa mga nalungkot sa last chapter, nangyari talaga yun sa panaginip ko, I just wrote it kasi pakiramdam ko parte talaga siya ng storyang to.

Napa update ako ng wala sa oras, nagagalit si Nico bat ko daw siya pinatay haha labyuu.

sorry sa wrong grammars and all.

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon