Chapter 22: Anger

1M 14.7K 673
                                    

A / N: Thank you supporting my story. I really appreciate it so much :)))

Please do continue VOTING and posting your COMMENTS :))

============================

(Violet's P.O.V)


Nagising naman akong parang hinahanginan ang tenga ko. And that's because Kyle is hugging me tightly in his arms like as if I'm gonna slip away from him if he loosen , even just a little, his grasp on me. Maingat ko namang inalis yung braso niya na nakayakap ng mahigpit sa bewang ko. I need to get ready para sa presentation namin mamaya.


"Hmmmm... It's still early baby, go back to sleep.", I heard him say in a husky voice.


"Marami pa akong gagawin. Let go, I need to get up now.", sabi ko naman sa kanya pero hindi na ito sumagot pa. Humarap ako sa kanya only to find out na nakapikit ito at mukhang bumalik sa pagkakatulog.


"Kyle.", tawag ko naman sa kanya. Umungol lang naman ito bilang kasagutan.


"Get your hands off me."

"I won't. Never.", he said.


Napatigil naman ako dahil sa sinabi niya. What's that supposed to mean? Naramdaman ko namang mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.


"Sleep, baby.", utos naman ni Kyle.


I heaved a sigh.


Narinig ko namang nag ring yung phone ko na nasa side table lang na katabi ng kama. Medyo hirap pa nga ako sa pag-abot nun dahil nakayakap pa rin sa akin si Kyle.


"Hello Jenna.", bungad ko naman sa secretary ko na siyang tumatawag.

["Ma'am Shanelle, sorry po kung nadistorbo ko kayo."], hinging paumanhin naman niya sa kabilang linya.

"It's okay but why are you calling me so early? May problema ba?", tanong ko naman sa kanya.

["Ma'am Shanelle, wala po kasi tayong model."], sagot naman ni Jenna.

"What? What about ate Valerie?", kunot-noong tanong ko naman sa kanya.


Oo, kahit ayaw kong makatrabaho ang kapatid ko ay wala akong choice kundi kunin siya bilang model ng products na irerelease ng AC. Si ate kasi ang official face ng company sa public.


["Ma'am, may hang-over daw kasi ito at ayaw daw nitong magpagising sabi nung manager niya. At tsaka ma'am, umalis na rin ho yung photographer natin at yung make-up artist natin."], pagbibigay balita pa ni Jenna sa ibang bad news.


Sh-t! Kung kailan naman presentation day na namin saka nila naisipang gawin toh! Pero kilala ko ang kapatid ko, alam kong sinasadya niya ito. Alam kasi nito na ako yung leader nitong project. And if I can remember it right, kaibigan niya yung photographer at yung make-up artist. I'm sure siya rin ang rason kung bakit umalis sila.

The Billionaire's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon