Shoot 51 "Official"

68.3K 3.6K 1.3K
                                    

"Cherry, eto na yung mga folder na pinirmahan ni sir," sabi ko habang naglalakad tungo sa working desk niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Cherry, eto na yung mga folder na pinirmahan ni sir," sabi ko habang naglalakad tungo sa working desk niya. Kumunot ang noo ni Cherry habang nakatingin sa akin.

"Ay, iba yata ang awra mo 'te ngayon?" Sabi ni Cherry. "Galing ka lang sa condo ni Boss ta's yung ngiti sa labi mo hindi nawawala!"

"Hindi ako nakangiti," hinawakan ko ang aking mukha, Oh God, I am smiling like I'm idiot. "I-I'm smiling 'coz it's a beautiful out there."

"Pabebe ka pang bakla ka! So anong ganap?" Inilapit ni Cherry ang kanyang mukha. "Nadiligan ka 'no? Kaya ka blooming."

"Nadiligan?" Kunot noo kong tanong dahil hindi ko maintindihan ang kanyang tinutukoy.

"Nadiligan! Ano ba 'yan, na-ano..." There's a wide grinned on Cherry's face.

"Ang dumi ng isip mo, Carlito!"

"Carlito ka diyan! Cherry nga ang pangalan ko!" Pagpupumilit niya. "So ano ngang tsismis? Ba't ang saya-saya mo? Huwag kang mag-alala sa'tin-sa'tin lang 'to."

Inipit ko ang labi ko para maiwasan na sumilay ang malawak kong ngiti. "Kasi..."

"Kasi?"

"KaminaniRaydin!" Mabilis kong sinabi at tinakpan ang aking mukha.

Cherry stopped for a moment at matapos no'n ay malakas na tumawa. "Ikaw, joker ka! Tinutukso ka lang namin kay sir pero feeling ko out of the league ka ni sir e,"

"Kami na nga!" Pagpupumilit ko.

"Kung kayo na ni sir, e'di kami na ni Daniel Padilla! Inagaw ko siya kay Kathryn. Ilusyonadang bakla 'to, bumalik ka na nga sa trabaho." Sabi ni Cherry. Bwisit 'to, magpapakwento pero hindi rin naman pala maniniwala sa akin.

Bumalik na lang ako sa trabaho ke'sa magpatuloy sa pakikipagkwentuhan. Habang nagtitipa ako sa keyboard ay biglang nag-vibrate ang phone ko na nasa aking bulsa.

From: Mama
Anak, uwi u maaga. Kakain daw tau sa lbas savi papa mo

Agad naman akong nag-reply ng 'okay' dahil bihira lang naman kami nagkakasama kumain. Agad kong naalala si Raydin dahil nagsabi ako sa kanya na baka bisitahin ko siya mamayang gabi.

Unggoy:
Baka hindi na pala ako makabisita
mamayang gabi. Family dinner :(

Demonyo:
Aw. :(

Unggoy:
Sorry na. 🙇

Demonyo:
Haha! It's okay, valid naman yung
reason mo e. 😀

Unggoy:
Just stay at your house. Magpahinga
ka lang.

Demonyo:
Yes, boss.

Demonyo changed your nickname to Unggoy💕

Napangiti naman ako sa kanyang ginawa. It's still the same nickname but with the heart emoji, it looks like it's more sweeter.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon