Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Chapter 2

2.9M 59.2K 46.7K
                                    

Meisha's POV

"Love, are you okay?"

Binitawan ko ang tako ng billiards na hawak ko at saka lumapit kay Tristan. "O-oo naman, love. Wala namang dahilan para hindi ako maging okay."

I stared deeply into his eyes para mabigyan ko ng assurance si Love na okay lang ako.

"Sigurado kang okay ka lang, Mei?"

Naaaninag ko sa peripheral vision ko si Lerwick pero ayoko siyang tignan. To hell I care with him.

*

"This way, Ma'am."

Sumunod lang ako sa waiter na sumalubong sa akin dito sa loob ng isang fine dining restaurant.

"Ano bang problema mo at ginugulo mo ako?"

Binagsak ko ang pouch na dala ko sa lamesa. Hindi na rin ako nag-abalang maupo dahil wala rin naman akong planong magtagal.

Simula nang pagtatagpo ng landas namin sa loob ng cruise ay hindi na niya ako tinigilan ng text. Sobrang nakakairita na. To the point na I have to hide my phone from my boyfriend, Tristan, dahil baka biglang mag-text itong siraulong 'to at mapaghinalaan pa akong nangloloko.

Inalis niya ang shades na suot niya. "Let's go out, babe."

Binato ko agad siya ng matatalim na tingin. "Dream on, Lerwick. Baka nakakalimutan mong magkaaway ang Yaji at Roswell?" mataray na sagot ko. Ang kapal din talaga ng mukha niyang mag-aya no? "At pwede ba? Tigilan mo ang pagtawag sa 'kin ng babe," I added.

He smirked na lalong nakadagdag ng pagkainis ko. "Sige, sasabihin ko na lang kay Lampe ang tungkol sa'yo at sa Yaji." Sumipol-sipol pa siya na parang tuwang-tuwa pa.

For the second time, I feel defeated. "Bina-blackmail mo ba ako?"

"Sa gwapo kong to? Tsk tsk tsk. Wala naman sa bokabularyo ko ang mamilit ng magagandang babae." He then grabbed his cellular phone na nakapatong sa ibabaw ng table at saka sinuot ulit ang shades niya kaya napataas ang kilay ko.

Plano niya bang iwan ako dito? Psh. Napaka-indecent talaga nito kahit kailan.

And as expected, tumayo na siya. "Text me 'pag nagbago na ang isip mo, babe."

I gritted my teeth in anger habang pinapanood siya naglalakad palayo, hawak-hawak ang phone niya na nakalagay sa right ear. "Yo, Lampe, may sasabihin ako sa'yo na siguradong ikagugulat mo—"

Mas lalo akong nagngitngit sa galit dahil sa mga narinig ko. And within 3 seconds ay inagaw ko na ang cellphone at binigyan siya ng mga nakamamatay na tingin.

"Binu-bwisit mo ba talaga ako, Lerwick?" galit na bulyaw ko.

"Babe, masyado kang hot. Date lang naman ang hinihingi ko, 'di ba?"

Psh. Ang kapal! Nakakainis.

Huminga muna ako nang malalim at pinilit na pakalmahin ang sarili ko bago ko pa mapatay 'tong mayabang na lalaki na nasa harap ko.

"Siguraduhin mong ititikom mo 'yang bibig mo 'pag pumayag ako."

"Naman babe. May isang sali—"

"Tahimik!"

Parang maamong tuta namang sumunod si Lerwick sa sinabi ko. Ganito ba siya talaga sa mga babae? Napaka-grrr! Nakakaubos ng pasensya.

"Ayoko nang makikita ang pagmumuka pagkatapos niyang date na sinasabi mo."

"Haha. Ayos!"

My Husband is a Mafia Boss (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon