Chapter 3

8 3 0
                                    

Sanna's POV

Halos tulala ako sa klase dahil sa psnaginip na yun..

Siguro nababaliw lang ako at sobrang stress!

Pero lahat ng panaginip ko nagkakatotoo eh!

At inalala ko nanaman ang panaginip ko kagabi,

Flashback

Malamig na gabi, malamig din na simoy ng hangin.Mga namamalimos na naka upo sa gilid ng kalsada para lang makakuha ng pera,

Sa daan na nakakalat ang mga dyaryo, plastic at iba pa..

Mga bahay na sira-sira dahil sa kung ano naman na trahedya o away na nangyari..

Ngunit habang ako'y naglalakad sa daan na madilim at napakatahimik..

May naaninag akong isang bitwin na nahulog sa mismong harap ko,

Halos natumba ako dahil sa lakas ng pagkabagsak nito.

"anong nangyayari?"yan nalang ang tanging nasabi ko dahil sa halong takot na nararamdaman ko ngayon

Dahil sa aking pagtataka kung ano ang laman ng bitwin nayon, agad ko itong linapitan at nagulat ako sa aking nakita..

Isang lalaking nakahiga na walang saplot!

Agad naman akong nagtakip ng mata dahil sa aking nakita

"grabe muntik nakong napatingin sa baba ha."gulat na sabi ko at agad na tumalikod,

Ngunit hahakbang pa sana ako nang biglang may yumakap sakin sa likuran..

Agad naman akong napaestatwa dahil sa narealize ko na hubo't hubad ang nakayakap sakin, hihiwalay na sana ako nang magsalita sya..

"Sanna, Im your gift." sabi nya saka agad akong hinalikan

WHAT?

THE

HELL?

Anong regalo!? ang daming katanungan na nasa isipan ko, ngunit nakalimutan ko dahil sa halik na ngayon ay gingawa namin..

End of Flashback

Waaahhhh! pag naaalala ko ang panaginip na yun, kinikilabutan ako! At mas lalo nung hinalikan nya ako! at saka bat sa panaginip ko parang nagustuhan ko ang halik nya! Waaaaaahhhh!!!!

Sabi ko nalang sa sarili ko saka kunwaring nakinig nalang sa prof namin.

*****

Lunchbreak na kaya pumunta nako sa cafeteria para kumain,

Habang naglalakad ako, tinignan ko ang oras.. and its 12:15pm..

At napaisip ako sa panaginip ko kagabi, at napop up mismo sa utak ko kung anong oras yun mangyayari, and its 8:45 pm.

May ilang oras pako para mapigilan yun, pero pano!?

Habang malalim ang iniisip ko, bigla konalang naalala ang sinabi nina Mom at Dad sa akin,

Kaya nagpadyak padyak ako sa kawalan!

"Pashnea naman oh! Bat ba ang daming nangyari simula kahapon! AAAAAHHHH NAKAKAFRUSTRATE!"sigaw ko ng malakas,

Dahil sa pagsigaw ko sa daan, madami ang tumingin sakin saka nagbubulung bulungan,

Aiiiisssshhh!! putek talaga,

sabi ko nalang sa utak ko,

Mamon at saka yakult lang ang binili ko, palaging ito ang binibili ko, pagkain nalang kasi ang nagpapasaya sakin, charot charot! hihi

Kaya naman umupo ako sa may isang table saka nagsimula nang kumain,

Habang kumakain ako, tinignan ko ulit ang oras,

And its 12:45 pm palang,

Kaya naman tinuon ko ulit ng pansin ang pagkain ko nang may tumatawag sa cellphone ko kaya naman tinignan ko kung sino ang caller,

and it's unknown number..

Kaya nang dahil sa kyuryusidad, agad kotong sinagot..

"Who's this?"kalmadong sabi ko sa kabilang linya,

"Ako ang magpapadala sa regalong hinihiling mo mamaya.."seryosong sabi ng boses babae sa kabilang linya

Napabuga ko nalang ang kinakain ko dahil sa kalokohang sinasabi ng scammer nato,

"HAHAHAHA!!! Joke ba yun teh!?"natatawang sabi ko habang hawak hawak ko ang tiyan ko sa sakit dahil sa labis kong tawa

"Kung para sayo nagbibiro ako, pero ang sakin hindi..Ibibigay ko sayo ang regalong iyon,ngunit a isang kondisyon,"seryoso paring sabi ng pashnea nato

kahit na natatawa ako, sinagot ko nalang ang kalokohan nya at sinakyan

"okay po, kahit anong kondisyon pa yan!" nakakalokong sambit ko sakanya

"Walang ibang taong makakaalam sa tunay na pagkatao niya saka oras na mahulog kayong pareho sa isa't isa, maglalaho siya at hinding hindi na babalik kailanman,"sabi nya ng seryoso,.

Putek kahit na feel ko loko loko to, pero parang kinikilabutan ako sa sinasabi nya,

"Okay." sabi ko nalang para matapos na ang kalokohan nato saka in end ang call,

ANONG KLASENG REGALO YUN?

YAKULT O MAMON?

HEHE

A/N: Enjoy the story? vote and share guys!

also follow me..

@Pinkrealtor

A Man from the StarWhere stories live. Discover now